delcroix heirs' academy ✔️ chapter one hundred fourteen

121 3 0
                                        

YULE BALL

✔️✔️✔️
ymir xix zin.

Kasama ko si Lili buong gabi, kaya naman kahit na magkakasama na yung mga kaibigan namin ay sumasayaw pa din kami. Antagal na siguro namin na sumasayaw. PAREHAS KASI KAMI NG KINAKATAKOT.

Baka mamaya, may umagaw sa kanya kapag hindi ko siya kasama. Marami pa naman may gusto sa kanya lalo na at isa siyang model. Ako? Gwapong nilalang na pang international model pero hindi ako model kasi masyado naman akong gwapo para dun. Tsk. Naman, eh.

Natatakot naman daw siya na baka mamaya bumalik sa akin yung mga babae kaya hindi niya ako pinapakawalan. Ewan ko ba hahaha. Wala naman dito yung lahat pero meron din siguro na nandito. Ewan ko ba, pero ang cute niya kapag ganito siya.

"Ayaw mong may iba ako?" tanong ko, tapos tumawa naman siya tapos tumango.

"Bakit, ikaw din naman," sabi niya, at nagtawanan kami.

"Then we should get away from here," sabi ko, at ngumisi sa kanya.

"Hoy ano yan?" tanong niya, na natatawa tawa pa.

"Baliw. May papakilala lang ako sayo," sabi ko, at tumawa siya habang tumatango.

Ngumiti naman ako at sinama siya palabas ng Shinzen Events Hall.

Naalala ko siyang bigla. Hindi ko alam kung bakit hindi ako agad nakabisita, siguro dahil narin sa busy na schedule at ang mga problema na kinahaharap namin.

Nakalabas na kami ni Lili sa Events Hall, at sabay kami na tumakbo papunta sa parking lot. Excited na akong makita siya uli. It's been so long.

Mukhang mas engrande ang Shinzen sa gabi. Tiningala ko ang mga bituin at humingi ng hiling. Sana ligtas siya. Sana hindi siya napasama.

"Ymir?" tanong ni Lili, kaya naman ngumiti ako at tinignan siya.

Nakarating na pala kami sa parking lot at nasa harapan na ng car ko, kaya agad ko naman pinagbuksan si Lili ng door sa passenger side. She said a quick thank you kaya naman nginitian ko siya at pumunta na sa side ko.

Binuksan ko ang pinto at pumasok na, saka pinaandar ang makina. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kotse at wala namang mali kaya pinaandar ko na palabas ang kotse at mabilis na nagdrive papunta sa same na daanang madilim kung saan ko siya unang nakita.

"Saan ba tayo?" tanong ni Lili, at nginitian ko lang siya pero hindi ko siya sinagot.

Ilang minuto lang ay nakikita ko na ang mga pamilyar na puno at mga bagay dito. Itinigil ko yung kotse nung maisip ko na mas mabuti siguro kung lalakarin nalang namin dahil medyo mahirap na dumaan.

Nagulat siguro si Lili dahil nasa madilim na lugar kami. Hinawakan ko naman ang kamay niya para hindi siya matakot at nilead siya papunta sa kung saan ko huling iniwan yung pupuntahan namin.

"Anong meron dito? Madilim! You're not going to murder me, right?" natatakot na sabi ni Lili kaya tumigil pa siya. Tumawa naman ako at umiling. Ano nanaman kayang iniisip ng babaeng to?

"Hindi, baliw. Ipapakilala lang kita kay—"

Hahanapin ko sana ang isang gusgusin na bata, kaso wala akong nakita. Instead, narinig ko na may tumatawag sa akin.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon