dedicated to ate JulieDura , for inspiring me trololol. 💙
✔️✔️✔️
gabrielle stephanie kane.After Raigne let me and Akira run away to settle things with Romaine and Ethan, nawalan ako ng malay and the next thing I knew, nandito na ako at nakahiga sa isang hospital bed sa hospital nila Theia. I just recently found out too that she's malayo na at hindi namin siya macontact. It hurt me, but I believe in Theia. Alam ko na gagawa siya ng paraan para makabalik sa amin.
I sighed, at iminulat ang aking mga mata dahil nakarinig ako ng ingay. Hindi pa naman sana ako gigising ngayong araw pero kailangan ko kasi umaga na at hindi naman pwede na matutulog lang ako dito.
Paglingon ko at susundan ang ingay, agad na nakita ko si Tavi, in which binitawan niya ang mga dala at agad na tumakbo papunta sa akin. Dahil sa sobrang pagod ay nahirapan akong tumayo ng maayos. Masakit din ang wrist ko at tinignan ko ito. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ni Raigne na pag sugat sa amin ni Akira just for her amusement.
Nang makaupo na siya sa tabi ko ay hinawakan niya ang kanang kamay ko which made me look at him and try to find if there was some kind of pain in his eyes. I searched. And I found it.
"Gabrielle, pinagalala mo ako. Alam mo ba yun?" sabi niya, at seryoso pa ang ekspresyon pero kita ko naman sa mga mata niya ang sakit at kapaguran. Alam kong nahihirapan na siya kaya naman napagisip isip ko kung dapat lang ba na kami pa din hanggang sa huli? Lagi nalang siyang nasasaktan ng dahil sa akin.
"I'm so sorry, Tavi. I always hurt you. Hindi ka ba nagsasawa sakin?" tanong ko, at nginitian siya ng pilit. Ang sakit para sa akin na sabihin ang mga yun, pero ginawa ko dahil alam ko naman na nasasaktan na rin siya. Paano nalang kapag ayaw na niya sa akin? Paano kapag nagsawa na siyang maghintay at nagsawa na siyang masaktan ng lahat dahil sakin?
"Gabrielle Stephanie Kane, kahit paulit ulit mo pa akong saktan, sayong sayo lang ako. I'm bound to break for you and only you. Break my heart, shatter it a hundred million times, because it's yours. It's for you to break, anyway," he said, and I couldn't help but close my eyes and grip his hand a little tighter. I felt his hand squeeze back.
"I think you're Aphrodite, Tavi, di bagay sayo Apollo. Masyado kang cheesy," sabi ng panibagong boses kaya naman napalingon kami sa may pintuan at nakita ang isang guy. Of course, it had to be Leo and Ethan.
"Langya, Leo. Ang ganda ng line niya, eh, sinisira mo," sabi ni Ethan, at sabay pa silang nagtawanan. Nakitawa naman ako, at nagpout si Tavi. I just noticed that he didn't have his camera today.
"I'm pretty pissed off that both him and Vance reunites with their lovers, tapos tulala tayo dito," pabirong sabi ni Leo, pero napansin kong may kakaiba sa boses niya. Para bang totoo?
"Balikan mo na kasi si Axelle, stupid," sabi ni Tavi, at hinila ko yung buhok niya dahilan para dagdagan niya yung sinabi niya, "Sorry,"
"HAHAHAHA. Under, under, under! Mukha kang underwear!" sabi ni Leo, at humalakhak naman ng wagas si Ethan.
"May tamang oras dun, Tavs," sabi ni Ethan, at ngumiti ng mapait.
I smiled softly at Tavi, watching him laugh. This is the first time that I saw him laugh with his friends again after nung nangyari. Tinadtad kasi kami ng unfortunate things in life. Sabihin man ng iba, mayaman kami wala kaming dapat problemahin, but they don't know. They don't know the struggles of us heirs and heiresses.
But I let myself get caught along the script of fate, dahil alam ko naman, eh. In the end, everything is going to be fine, maybe not now but soon.
✔️✔️✔️
vance keith mccartney.Nang matapos yung araw na nakuha na namin sila Akira sa kamay ni Raigne, agad kaming nagpunta sa hospital nila Theia dahil dun dinala sina Gabrielle and Akira. I was calling Ymir, asking if he wanted to visit Akira, but he declined my offer saying that he'll just see her once she steps foot in their residence. Pabebeng Ymir. Tss. Palibhasa pakuya. Kahit sila Krill kakagaling dito, at kung ngumawa akala mo naman sila yung kapatid. Makangawa nga si Krill, akala ko nabakla na. I even had to call Aly to shut him up.
It's my turn to get inside her hospital room dahil umalis ako kaninang umaga at sinabi babalik nalang ako ng hapon. At nandito na ako ngayon. Panigurado gising na yun. Tsk. Hindi ko na alam. Bakit ba kasi ako nagpunta dito? Anong gagawin o sasabihin ko? Tsk. Ang hirap naman ng ganito.
Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng pinto at tsaka ko lang yun narealize nang malaglag ang hawak kong dalawang malaking bags ng Lays. Sabi kasi nung ungas na Ymir na yun, bigyan ko daw si Akira ng Lays dahil sasaya yun.
Hindi ko na naisipan pang kumatok dahil kakabahan lang ako kaya binuksan ko nalang agad yung pinto. But I was surprised at the sight in front of me. She was sitting on her bed and she was talking to someone, a guy about my age wearing a nurse's uniform. Nagtaka naman ako, but then I remembered that Theia also does this dahil talaga namang marunong siya.
My jaw tightened when I heard Akira laughing with the asshole of a nurse. He was also grinning from ear to ear at parang napapasaya ang kuwentuhan nila kaya naman sumandal nalang ako sa pintuan at hinintay na mapansin nilang may naghihintay dito. Tsk.
Bigla namang napatingin dito yung nurse, kaya nanahimik siya at nagexcuse ng sarili. Nung dadaan na siya sa harapan ko, tumigil siya ng kaunti at nginisian ako bago bumulong sa akin.
"Hindi ko aagawin, wag kang magalala. Pero malay mo, baka lang siya mismo magpunta sakin," sabi niya, at hindi ko napigilan na ngisian siya ng pandemonyo.
"Congratulations, asshole. You just earned the spot of no. 1 on our black list. Hintay ka nalang, bro," sabi ko, at namutla siya, at tumigil.
"Vance Keith McCartney?" kinakabahan niyang tanong, at nginisian ko.
"In the flesh," sabi ko, at naglakad naman na siya palayo.
After hearing the door slamming shut, pumunta ako sa tabi ni Akira at binigay ang bags ng Lays. Nagulat naman ako ng tumawa siya at tinignan ako na parang nababaliw ako.
"Bat ka may dalang ganyan?" tanong niya, at napataas naman ang mga kilay ko.
"Sabi ni Ymir— Right. Siya lang kakain nito,"
"May nauto nanaman si Ymir,"
"Ilulublob ko talaga sa inidoro na puno ng tae at sabay ingungudngod ko sa paa ni Ethan na puno ng bulok na ingrown si Ymir,"
"Go ahead,"
"Wait, what?"
"I said, I love my brother,"
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Genç Kurgu[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...