apollo octavian solace.
Hindi pumasok ang teacher namin, kahit yung teacher nila Vance kaya naman nandito kami ngayon sa harapan ng classroom nila Ethan dahil nagiisip kami ng paraan kung paano maeexcuse yung batang yun. Hindi naman siya bata pero kahit na. Basta.
Tumawag kanina si Ymir at nagyayaya na gumala daw kaming mga lalaki dahil nga hindi daw kami gaanong nagkakasama para sa kasiyahan; nagkakasama lang kami dahil nga sa mga problema na dumadaan sa mga school namin.
"Bakit di natin sipain yung pintuan nila tapos kunwari kidnapin natin siya? Tutal ganun naman ginawa niyo sa akin nung birthday ko, eh. Kainis kayo," sabi ni Leo, kaya naman tinignan namin siya na parang nababaliw siya kasi ang saya saya ng mukha niya na parang masayang masaya yung gagawin namin kapag sinunod namin yung plano niya.
"Tanga ka ba? Edi nakita tayo nung teacher nila? Leo naman, konting isip din," sabi ni Vance, at minasahe pa niya ang kanyang sentido.
"Harsh niya, ah? Pero ikaw, Tavi, anong ideya mo?" sabi ni Leo, kaya naman nag isip ako ng mga pwedeng gawin ko.
Ano nga bang plano na pwedeng mailabas si Ethan?
"Ah! Kailangan namin siya dahil iinterviewin ng president ng theater club ang bawat member!" sabi ko, at nagkamot naman ng batok yung dalawa kong kasama.
"Hindi pwede, paano kapag tinanong nila yung president—"
"Si Gab ang president," sabi ko, at lumawak naman ang ngiti ni Leo.
"Pwede, pwede!" sabi ni Leo, at tumango nalang si Vance at kumatok na siya sa door ng classroom nila Ethan.
Huminga kami ng malalim, at naghintay ng sasagot sa door. Ilang segundo ang lumipas at bumukas na din ang sliding door. Sakto pang si Ethan ang bumukas ng pinto kaya naman binigyan namin siya ng ngiti na alam mo nang may plano.
"Man, I wanna get out of this classroom right now. Ang boring ng history," bulong ni Ethan, kaya naman tinignan namin ang mga estudyante sa room nila na tila may hinihintay.
May narinig naman kami na footsteps kaya kinakabahan kami agad at huminga ng malalim. Kung hindi kami magingat ay malamang babarahin na ni Vance yung teacher nila para lang makuha namin si Ethan.
Tumambad sa amin ang pagmumukha ng teacher nila ng history, and it turns out na si Ms. Grundy yun, yung teacher nila na bata bata pa pero matalino sobra sa history. Magaling siya magturo at maganda, kaso nga lang, may gusto kay Leo.
"Oh, what are you three doing here? Don't you have classes to go to?" sabi ni Ms. Grundy, kaya naman huminga si Vance ng malalim at pati si Leo ay humihinga na ng malalim. Ako? Mawawala na yata yung kaluluwa ko sa katawan ko. "Hi, Leo."
Nagwave pa ito gamit ang fingers niya kaya tinignan namin si Leo, na parang nacricringe na sa nangyayari. I whistled, dahil ang awkward, pero tila mas nagpaawkward pa yun ng siwasyon because Vance patted my back. Oh god.
"Actually, eescape talaga kami. Kailangan namin si Ethan. Thank you in advance, Miss Grundy," sabi ni Leo, at kinaladkad si Ethan palabas ng room dahilan para tumawa kami at tumakbo palayo.
"Take care!" sigaw ni Miss Grundy, na ikinasapo namin ng mga noo namin.
Ewan ko ba kung saan napupunta ang katalinuhan niya kapag kaharap na niya si Leo. Para bang nawawala siya. Bumaba na kami sa building, at ang lakas pa din ng tawa ni Ethan sa nangyayari.
"That was a nice one, Leo," sabi ni Vance na may monotonous na voice pero nakangisi siya.
"Don't mention it. Gwapo talaga ako, pati teacher ninanais ako," sabi ni Leo, kaya naman ay nagtawanan kami at naglakad lakad muna.
"Tawagan mo na kaya si Steve? Para siya nalang maghatid sa atin?" sabi ni Ethan, at umiling naman si Leo.
"Kawawa naman si Steve. Lagi nalang. Alam ko talaga Vance brought his car." sabi ni Leo, at nginisian pa si Vance.
"Tss. Fine. Ako na nga," sabi ni Vance, at nagcheer naman si Leo na parang ewan.
Ewan ko ba. Kahit na malaki na kami ay parang si Leo pa din yung Leo na nakilala namin dati, pero meron lang syang side na mature na wala naman nuon. But nevertheless, siya pa din kung sino siya nuon. Si Vance naman, siya pa din yung tsundere namin, pero mas madaldal lang siya nuon kasi dahil kay Shay. Pero dahil kay Akira, bumalik na yung side niya na magkaroon ng pakialam sa mundo. Si Ethan naman, andami namin na nadiskubre sa kanya ngayong taon. Akala namin na sadyang tamad lang pala siya, pero yun pala may itinatagong bangis ang tamad.
Saka ko lang narealize na nasa parking lot na pala kami nung nasa harapan ko na ang kotse ni Vance.
"Sakay na," sabi niya.
So I did.
✔️✔️✔️
kei kenjin shinzen.Nasa loob pa ako ng classroom nung lapastangang tumawag sa akin si Ymir na nagyayaya na lumabas daw kaming mga lalaki dahil lagi lang kaming nagkakasama kapag may problema. Kapapatay ko lang ng tawag kahit na nagkakaklase kami, pero wala namang pakialam yung teacher namin dahil lahat sila ay walang laban sa akin. Alam nila na mabait akong estudyante dahil president ako ng Shinzen council at madami akong inaasikaso lalo na at wala na ang vice president at secretary ko kaya naman agad lang akong tumayo at kinuha ang bag ko ng walang paalam sabay umalis ng classroom.
Hindi rin naman nila ako mapipigilan.
Nagdirediretso ako sa parking lot at isinaksak ang susi ko. Agad ko namang pinaansar paalis yung lotse ko dahil alam ko na kung saan saan kami magkikita. Susunduin ko nalang din si Lexus at Harrison.
Pinagmamasdan ko yung paligid at nakikita ang mga nagsisidaanan na mga tao at insip ko... ano kaya ang buhay nila? Tss. Ano ba tong iniisip ko. Lumipat naman ang atensyon ko sa daan dahil malapit na ako sa school nila Lexus. Pero, bago pa man ako makarating dun ay nakasalubong ko na agad si Lexus sa daanan, meaning na nagescape na siya bago pa siya tawagan.
"Ibang klase, Ziro. Ibang klase," sabi ko, at tumawa naman siya habang sinasara ang pinto sa backseat. Nakalagay kasi ang backpack ko sa passenger seat at alam nila na ayokong nagpapaupo sa passenger seat ng car ko unless you're Aly. Or someone as important as Aly. Aly is most probably the most important person to me, anyway. Dahil siya nalang yung parte ng past ko na ganun pa din. Hindi ako iniiwan ng dahil lang nagbago ako. Bukod sa Nemesis. Pero give and take and Nemesis kaya iba talaga yun.
"Sunduin na natin si Harrison. Nakasalubong ko siya kanina. Bumibili ng pagkain sa daanan. Parang ewan. Baka mapano siya sa kwek kwek at isaw," sabi ni Lexus, at nginisian ko naman siya.
"Tss. Para kang bakla. Tawagan mo nalang, papuntahin mo dito. Bago pa mamatay si Harris," sabi ko, at napataas naman ang kilay niya sa akin.
"Friends?"
"Obvious ba? Pasabugin kita dyan eh,"
"WHAT THE HECK?! May friends ka na ngayon?!"
"Bobo."
"Sabi ko nga, wala kang tinuturing na kaibigan."
nagbibiro lang naman ako, lexus. Kaibigan ko na kayong lahat, ngayong alam ko na ang pakiramdam ng magkaroon ng mga kaibigan matapos na magtulungan tayong lahat dahil kay Raigne.

BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...