delcroix heirs' academy ✔️ chapter one hundred five

66 4 8
                                        

krill jairell vertes.

Tapos na ang festival last week kaya naman balik na kami sa regular classes namin ngayon. Nakakainis kasi pagraduate na kami niyan, in a few months, at iiwan na namin tong lugar na to kung saan kami lahat na mas napatibay ang pagsasamahan. We're in the last period before lunch, kaya naman naghihintay kami na magbell na. May afternoon pa naman na club activities kaya nakakatamad na mag aral. Gusto ko nalang magclub activities.

"Krill," tawag ni Ymir, kaya naman lumingon agad ako sa seat niya, upuan na nasa likuran ko.

"What?" I asked, habang hindi tumitingin sa kanya kundi sa matandang babae na teacher namin ngayon. Masyadong malala e. Math teacher pa naman. Parang ewan. Napakanakakainis niya. Masyadong strict.

"Mukhang nalanta si Ma'am, no?" sabi niya, kaya naman I bit my lip to stop my laughter from coming out of my lips. Mahirap na. Yun din naman yung naiisip ko kanina.

"Gago, wag ganun. Matawag tayo dito," sabi ko, kaya naman nagulat nalang ako nung tinawag ako nung gurang na teacher.

"Mr. Vertes! If you're so clever, then, answer the question given on the white board!" sabi nung teacher namin na matanda, kaya naman huminga ako ng malalim at tumayo ng matuwid.

Pupunta na sana ako sa harapan para sagutan yung pinapasagot niya kaso nga lang bigla ring tumayo si Ymir kaya nanahimik ako at nilingon siya. Umiiling iling ako ng kaunti para sabihin sa kanya na wag na siya makigulo, kaso nga lang ay hindi niya ako pinansin at nagumpisa na sa pagsasalita.

"Ma'am, please don't do that to Krill. Sa totoo lang, kanina pa dapat kami nagmimeeting sa Delcroix because of some issue pero pinilit namin na magpunta dito sa klase mo kasi ayaw niya na mapagalitan. Hindi naman po ba nakakahiya yun? He was worrying about the meeting since ang hirap na maging president, and Vice President pati na secretary, kaya please ma'am, wag niyo naman na kami bigyan pa ng iisipin." sabi ni Ymir, at napataas ang mga kilay ko. Ang galing magisip ng palusot ah?

Unti unti naman na mas lumukot at mukha ni ma'am at pinalo ang stick niya sa desk ko tsaka hinarap ako ng maayos. Ang lapit pa ng mukha. Nakakasuka.

"It's true, ma'am. Anyway, please move back, your face is too close. Also, I can file a lawsuit. Child abuse," sabi ko, at nginisian siya. Umiling iling naman siya sabay na umalis at kumembot pabalik sa harapan.

"Krill Vertes, Ymir Zin. You are dismissed. And for the rest of you, dunderheads, sagutin niyo ang page 256-287. HANGGANG NGAYONG ORAS LANG. Or I'll drop you out of my subject, and I won't care kahit na hindi ka pa gumraduate." sabi ni ma'am, at ngumisi ako. I pocketed my hands and pinagmasdan ang envious stares ng mga classmates namin.

Naglakad na kami palabas ni Ymir dala na rin ang nga bag namin na nakasukbit sa iisang shoulder, at may gana pang islam ang sliding door. Nagtawanan naman kami ni Ymir nung nakalabas na kami, at may napansin ako sa sarili ko. Parang hindi yata ako gaanong nagagalit simula nung maging kaibigan na namin sila sa Delcroix at Shinzen.

"Ymir," tawag ko, at tumigil sa paglalakad.

"Bakit? Nako, baka naman nainlove ka na sa akin dahil lang niligtas kita sa mukhang burong itlog na teacher natin. Nako, Krill, ah," sabi ni Ymir, at tinignan pa ako na nangaasar kaya naman binatukan ko siya.

"Kilabutan ka nga sa ginagawa mo." sabi ko, at tumawa tawa naman siya.

"Ito naman, kahit kailan napakamasyadong pikon," sabi niya, at inikot ko lang ang mga mata ko.

"Problema mo? Nakakadiri ka," sabi ko, at mas lumakas naman ang tawa niya.

"Ito naman, oh, akala mo naman ang pangit pangit ko!" sabi niya, at mas tumawa nung binatukan ko pa siya ng dalawang beses.

Bigla namang may nagslide na door ulit, kaya napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan nung tunog.

Lumabas si Leone at Bastille na parehong nagsstretch ng mga katawan. Lumapit naman sila sa amin nung makita kami at malakas na tumawa si Ymir habang sinasalubong ng yakap ang mga kaibigan namin.

"HAHAHA! Bakit nasa labas kayo?" tanong ni Ymir, kaya naman hinarap ko na din sila.

"Sinagot ni Bastille yung teacher naming panot," sabi ni Leone, at parehas kaming apat na natawa sa salita niya.

"Ikaw, ano namang ginawa mo?" tanong ko, at tsaka naman na tumawa ng malakas si Bastille. Nagtaka na ako. O hindi. Knowing my friends.

"Paano ba naman. Tinawag kong panot yung teacher at nanahimik silang lahat. Tapos nagalit yung panot kaya mas nanahimik ang lahat. Habang nakaupo lang siya at halos humiga sa upuan, sinabi niya na totoo naman daw na panot siya," pagpapaliwanag ni Bastille, kaya naman tumawa ako at inakbayan si Leone.

Naglakad kami pababa ng building tutal dala na rin naman na nila Bastille ang mga bag nila.

Nang makababa na kami at nasa may puno na madalas naming tambayan, nagkatinginan kaming lahat dahil iisa ang tumatakbo sa mga isipan namin.

"Tara, escape? Just once nalang this year?" sabi ni Ymir, na may nostalgic na ngiti sa kanyang mukha. Lahat naman kami ay napangisi pero iniisip din ang campus na ito na malapit na naming iwanan.

Tumango kami nila Bastille, at sabay sabay kami na tumakbo palabas ng gates kahit na may security guards pa. Alam naman nila na madalas naming gawin ito, at sinukuan na din naman nila kami.

Tinawagan ni Ymir sila Leo, pati na si Shin, at yun naring Tandang Zin at si Harrison, kaya naman alam na agad namin ang destinasyon namin.

"Err, tinawagan ko na yung driver ko. Kukunin ko yung kotse, at aabandunahin ko muna siya para magamit natin ang kotse. O pahatid ko yung kotse ko?" sabi ni Leone, kaya naman tumawa nalang kami sa ideas niya. Balbal. Tss.

"Aabandunahin? Ayus ka rin, eh, no?" sabi ni Bastille, at binatukan yung kumakain nanaman ng lollipop ngayon.

"Aray ko! Badtrip kang gago ka. Realtalk-in kita dyan, eh," sabi ni Leone, at tinaasan naman siya ng kilay ni Bastille.

"Tss. Baka masaktan ka na sa matalim kong dila bago ka pa makapagsalita. Tss. Baog," sabi ni Bastille, kaya naman nagpunta na ako kay Ymir na nasa likod nila at may kinakatikot sa phone ko.

"Your mum," sabi ni Leone, at nginisian si Bastille.

"Gagraduate na tayo! Yes! Malapit na! Makakatakas na tayo sa pag aaral!" sabi ni Ymir, kaya naman naasar ako at binatukan ko siya.

"Bobo ka talaga, may college pa," sabi ko, at huminga ng malalim habang hinihimas niya yung natamaan ko.

"Your mum," sabi ni Leone at Bastille na nilingon kami, kaya naman sabay na kaming nagsitawanan.

Mamimiss ko ang mga panahon namin sa campus na to. Argh.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon