delcroix heirs' academy ✔️ chapter ninety one

71 3 3
                                    

raigne sherine beauregard.

Ang lawak ng ngiti ko matapos na ibalita sa akin ni Arianne na naniniwala sila na siya nga si Shay. Nakavideo ang footage ng pangyayari at gustong gusto ko na agad na makarating sa kinaroroonan nila Gabrielle at Akira para makita nila na walang ginagawa ang mga kaibigan nila para mailigtas sila.

Nasa labas na ako ng warehouse sa loob ng compound na kinaroroonan nila Gabrielle. Nakalapad at bakas na bakas sa mukha ko ang happiness. Kailangan na malaman ni Ate Romaine to, para mas masaya ang buhay ko. I like it when she knows about my kabalbalan, eh. Para bang ang saya nakikita yung reactions niya.

I led my hand to the knob, at unti unti itong binuksan at tumambad sa akin ang kadiliman at baho ng mga patay na daga. Sinadya ko talaga na ganito ang setting para kapag magsesend ako ng videos kila Vance, mas maprovoke sila. I really like provoking people, especially when they are related to me.

Nakatali pa din sa upuan sina Akira at Gabrielle, still in the clothes they wore when they first were led here by yours truly. Ang cute nga nilang tignan kasi para silang galing sa isang action movie na kinidnap. Pero they can't escape because I have the device that can read their minds. I thank god for technology.

May dugo pa sa gilid ng lips si Gabrielle mula sa pagkakasampal ko kahapon yata, tapos si Akira naman ay ang talim na ng tingin sa akin.

"Shine!" sabi niya sa Japanese, at natawa naman ako. Die? Seriously? I don't die with words, actually. Tumawa ako ng malakas dahilan para mas tumalim ang mga tingin nila sa akin.
"You won't be saying that after I let you watch this," sabi ko, at iniharap sa kanila ang iPad ko at pinlay yung video nila Arianne and Vance along with the Black Reapers.
"You're ruthless and soulless, Raigne. I hope you rot in hell," sabi ni Gabrielle, at nginitian ko naman siya ng malawak.
"I hope so, too!" sabi ko, at pinapanood na sa kanila yung mga pangyayari.

Pinapanood ko kung paano magbago ang mga ekspresyon ng mukha nila habang nagpoprogress yung video. Parang naiiyak si Akira na ewan, which caused me to smirk. Ang galing talaga mag acting ni Arianne. Tapos si Gabrielle naman, parang lutang na hindi na alam kung ano pa ang paniniwalaan. Siguro natatrauma na siya pero wala akong pakialam. That's what I really want to happen anyway.

Parang hindi makapaniwala si Akira sa nakita, dahil naroon na kami sa part na niyakap ni Vance si Arianne ng mahigpit. Tumulo ang mga luha niya at pinatay ko na yung video with a ngiting tagumpay.

"Kinalimutan ka na pala ni Vance. Pwede na kitang patayin?" sabi ko, at Akira glared at me.
"Just kill me," sabi ni Akira, kaya napataas ang kilay ko. "Just let Shay and Vance be happy. They were bound to be together anyway," sabi niya pa kaya napahalakhak ako.
"Love can't take you anywhere, Little Miss Zin. Ni hindi ka nga mapuntahan nung mga yun, eh. Nasaan ang mga kuya mo?" panunuya ko, kaya naman ay nagsituluan na ang mga luha niya.
"Masaya ka ba sa ginagawa mo, Raigne?! Hindi ka man lang ba nakukunsensya?!" sabi ni Gabrielle, habang umiiyak na din.
"Hmp. Hindi. Isa pa, ang iyakin niyo naman. Nanonood lang tayo ng entertainment, eh. Iiyak na agad kayo. It's not like Tavi liked Shay, too, right?" pangpoprovoke ko, at narinig ko ang masasakit na iyak ni Gabrielle.
"Not my Tavi, please, kahit na ako na lang ang kunin mo. Basta wag na wag mo nang sasaktan pa si Tavi," sabi niya, and I rolled my eyes before sinabunutan silang dalawa.
"Love can take you nowhere, tandaan niyo yan. Walang magagawa yang nonsense love niyo," sabi ko, at napaiyak sila nang hinigpitan ko ang sabunot bago tuluyang pakawalan ang mga buhok nila.

Pinagpag ko yung kamay ko, at umupo sa harapan nila. Nag-iisip ako kung magsesend na ba ako ng video or makikipagvideo call na kila Vance, kaya naman napangisi ako. Agad akong tumayo at pinunitan ang mga damit nila para makakuha ng tela na tatakip sa mga bunganga nilang maiingay.

Agad akong nagrequest ng video call kila Vance, at inaccept naman ito agad kaya napalakpak ko ang mga kamay ko sa tuwa. Ang exciting talaga ng play time ko dito sa Philippines! Sa Russia kasi, hindi ako makahanap ng pwedeng ganituhin na related sa akin, eh. At least these girls are somehow related to me at masasaktan ko pa ang iba. I really like being in control.

Tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Ymir, at si Vance na nasa tabi niya. Nasa likod nila ang ibang mga paa at hita na hindi ko makilala kaya bahala na sila. Ito lang naman yung mga pinakamasayang iprovoke kaya I am contented. Kasama din nila si Arianne, kaya napangisi ako. She can tell me what their plans are.

"Raigne. Stop this lunacy at once. Wala kang mapapala," sabi ni Vance, at tumawa naman ako ng malakas. Narinig ko ang muffled screams ng mga babaeng nandito kaya napangisi lang ako sa katagumpayan.
"Actually, I am having fun. I'm thinking of having a tea party with them. With their blood as the tea and their flesh as the sandwiches," sabi ko, and I giggled at the thought. Konting bali lang ng mga limbs nila, pwede na eh.
"Whoever you are, little kid, I'm assuring you that hindi ka magaasenso sa ginagawa mo. Maganda ka pa naman— ARAY! What I meant to say was bata ka pa lang naman. You shouldn't be doing these kinds of things," sabi ni Ymir, at binatukan siya ni Vance at Lexus kaya natahimik siya at pinalitan ang mga sinabi.
"Raigne, please leave them alone," pekeng simpatya ni Arianne sa kanila. Bilib talaga ako sa acting skills niya kaya I almost believed that she was on their side.
"Me?! Leaving them alone?! Play time isn't done yet!" I exclaimed, at kinuha ang isang dagger mula sa back pocket ko.

Agad ko namang kinuha ang mga braso nila Gabrielle at Akira, at parehas silang nilaslasan. Halata sa mga hiyaw nila ang agony, and it made me giggle in excitement. I love them! They're my favorite victims na!

"Raigne, hindi na biro ang ginagawa mo! Makonsensya ka nga! Magbago ka na!" rinig kong sigaw ni Ate Romaine sa kabilang linya, kaya naman I pouted at nagakmang magdadabog.
"I'm only having fun eh! Ang saya kaya! I'm never happy! Ayaw mo bang masaya ang baby cousin mo?" I childishly told Ate Romaine, at nakita ko ang mga confused faces nila sa kabilang linya. Nilingon ko sila Akira, at nang makitang gumagawa ng paraan si Akira para makatakas, agad akong naglabas ng pistol at itinutok iyon sa kanya.
"Don't you dare!" sigaw ni Ymir, at napangiti ako ng malawak at nakakaloko.
"Huh? What shall I not dare to do? Pull this trigger?" sabi ko, at akmang babarilin si Akira pero sumigaw ito at nagdagsa ang mga luha. Nawalan ng malay si Gabrielle, kaya naman hinayaan ko nalang siya after playing with her head for a bit.
"Hindi sila laruan, Raigne. We will get back to you, hintayin mo kami," sabi ni Vance, at pumalakpak naman ako sa excitement.

I've never had this much fun yet in my life. Get ready for a wild ride!

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon