'Anak sabihin mo nga sa akin, mag-ano kayo ni Edward?' Tanong ng nanay ni Maymay sa kanya.
Nakayuko lang ang dalaga at nahihiya sa nalaman ng ina.
'Napapansin ko na kayo noon pa pero alam ko na hindi kayo nagkakasundo kaya hindi ko iyon masyado naisip. Hindi ako nakialam sa inyo kahit isang beses kasi malalaki na kayo ng kuya mo at dapat alam niyo na ang ginagawa ninyo.' Panimula ng nanay niya.
'Maaaa. B-boyfriend ko na po si Edward.' Tinapangan na lamang ni Maymay ang loob kesa naman madagdagan pa ang kasalanan niya sa ina kung magsisinungaling siya.
'Kelan pa yan?' Tanong nito muli.
'N-nung nakaraang linggo lang po. Nung sinundan niya ako dito.' Sagot naman ni Maymay.
'Anak, hindi ako kontra sa inyong dalawa ni Edward. Nakikita ko naman na mabuting lalaki siya. At alam ko din naman na responsable ka. Hindi na ako magtataka kung..kung alam mo na. Pero sana wag muna.'
'Maaaaa!!!!!! Ano ba? Ang awkward pag-usapan niyan.' Mas lalong nahiya si Maymay sa nanay nito.
'Pero alam na ba yan ng mga magulang ni Edward? Nagsabi na ba kayo sa kanila o katulad ko na aantayin niyo lang din na mahuli kayo?'
'H-hindi pa po namin nasasabi.'
'Eh kausapin niyo na hangga't maaga pa. Ayaw kong isipin nila na ginagamit mo lamang si Edward ng dahil sa trabaho at sa pera. Kaya kung ako sayo pagkasabi mo mag-resign ka. Hindi maganda na nobyo mo ang boss mo Maymay. Hindi maganda sa paningin ng ibang tao. May masasabi at masasabi sila sayo.' Halata ang pangamba sa boses ni Mama Lorna
'Kaya nga po gusto namin itago hangga't maari. Ayaw kong makaapekto ang kung anong meron kami sa trabaho naming dalawa.'
'Ay naku Maymay. Hindi maganda yang tago tago na yan! Sinasabi ko sayo ikaw ang lugi dyan. Paano kapag may ibang lumapit na babae sa nobyo mo? O kaya ipinagkasundo siya ng magulang niya sa iba? Ano magagawa mo? Lugi ka dyan anak. Kaya pag-isipan mo.' Suhestiyon nito.
Nakuha naman ni Maymay ang punto ng ina. Sa tutuusuin, palagay nga niya ay tama ito. Pero hindi siya pwede magdesisyong mag-isa. Kailangan silang dalawa ni Edward ang mag-usap kung ano ang tamang gagawin.
'Sige po. Pag-iisipan ko po per Mama salamat huh.' Niyakap nito ang ina.
'Ay jusko kang bata ka! Ako nga ang nagpapasalamat at sa sungit mong yan eh may nagka gustonpa sa iyo.' Natatawa naman ang ina.
'Grabe ka sa akin Mama! Mabait naman ako, minsan nga lang:' natawa na din si Maymay.
Tama din naman ang Nanay niya. Matanda na siya at siya na dapat ang nagdedesisyon para sa buhay niya hindi na ang ina.
'Oh siya. Sige na! Maya maya gisingin mo na si Edward at ng makakain na kayo. Kung gusto kamo niya ako kausapin sabihan niya ako.'
'Sige po mama. Sasabihin ko po. Thank you ulit. I love you!'
'I love you too kaya umayos kang bata ka huh! Kukurutin kita sa singit.' Sabi nito habang inaayos ang buhok ni Maymay.
-
Makalipas ang ilang oras ay ginising na ni Maymay si Edward.
'Edward. Gising ka na. Breakfast na tayo!' Aya nito kay Edward.
'Hmmmm. Dito ka muna.' Sabi naman nito kay Maymay at inakap ang dalaga.
'Pwede naman kaya lang tinatanong ni Mama kung gusto mo daw ba siya kausapin.'
'Hmmmm. What for?' Nakapikit pa din si Edward at ang sarap ng pagkakayapos kay Maymay.
'Alam na niya Edward. She was waiting for me in my room earlier.'
'What?! Shit!' Agad agad namang napabitaw si Edward kay Maymay at bumangon sa kama nito.
'Oh eh bat ka natataranta. Tinatanong ka lang naman kung gusto mo siya kausapin.' Natatawa si Maymay sa biglaang pagbangon ni Edward.
'Cause this is not what I planned.' Sagot ni Edward na agad agad inayos ang sarili. Nagsuot ng tshirt at matinong shorts.
'May plano ka?' Nagulat naman si Maymay.
'Yeah. I was planning to talk to her to let her know that I like you and that I am serious and would ask for her blessing if you know, she agrees for me to be your boyfriend and all. But this all went down pretty fast! Damn!'
'Edward! Umayos ka nga. Para ka dyang sira.' Sita nito sa natataranta pa ding Edward. 'Just talk to her. She will understand.'
'She may but what if what if your brother finds out you slept in my room then I'll be dead!' Sagot naman ni Edward.
'Hindi naman yun sasabihin ni Mama kay Kuya uy! Saka matanda naman na ako I make my own decisions hindi si Kuya at hindi din si Mama.'
'I'll just brush my teeth then we'd go down. Okay?'
'Okay. Sige!'
-
Bago mag-almusal ay kinausap nga muna ni Edward si Mama Lorna.
'Sorry po talaga if we didn't let you know kaagad. I feel so ashamed that you found out that way.' Sabi nito sa ginang.
'Naiintindihan ko naman ang sinasabi ko lang kay Maymay eh sana hindi niyo itago.' Sagot naman ng ginang.
'I really do not want to po. It was Maymay who decided to keep it a secret from everyone cause she doesn't want to jeopardize her work.
'Basta ikaw na ang mag kumbinsi sa kanya. Kausapin mo. Ealang nangyayaring maganda sa maga tago tago na yan.' Paalala nito kay Edward.
'Sige po. I will po.'
Naging masaya si Edward sa pakikipag-usap nito sa Nanay ni Maymay. Kaya naman nilakasan niya ang loob at kinausap ang Kuya ni Maymay.
'Uhm. Bro, can we talk?' Tanong nito kay Vincent.
'Bakit?' Tanong naman ni Vincent
'I just want to tell you something.' Panimula ni Edward.
'Yung tungkol ba sa inyo yan ng kapatid ko?' Tanong nito na ikinabigla naman ni Edward kaya halos hindi ito makapag salita.
'Matagal ko na alam. Matagal ko na kayo napapansin dalawa. Nakikita ko pano mo tintingnan kapatid ko. At hindi ganun ang tingin ng boss sa empleyado niya kaya alam ko na.' Sagot naman ni Vincent.
'...and are you okay with it? I mean me being your sister's boyfriend?' Tanong ni Edward kay Vincent.
'Sa totoo lang??? Hindi.' Sagot ni Vincent. 'Mas gusto ko si Tanner kesa sayo. Alam ko kung paano mo pinakitunguhan si Maymay dati. Araw araw kami magkausap at araw araw din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ka gustong mag resign dahil hindi niya matagalan ang ugali mo.'
'I know and I am sorry for the old me but that's not who I am anymore.' Pag depensa naman ni Edward.
'Siguro nga. Kaya nga ginusto ka na ni Maymay eh. Ito lang ang akin Edward. Wag na wag uuwi ang kapati ko ditong umiiyak. At lalong wag na wag na ding uuwi dito ang kapatid kong buntis! Dahil sinasabi ko sayo! Hahanapin kita kahit san ka magpunta.' Pagbabanta ni Vincent kay Edward.
'That wouldn't happen.' Pagsisigurado niya dito.
'Dapat lang! Madaming beses nang nasaktan si May ng kung sino sinong tao. Hindi na ako papayag na madagdagan yun. Lalong lalo na ikaw!'
Edward smirked for a bit. 'I wouldn't either.'
Hindi man sila naging okay ni Vincent pagkatapos ang usapan ay naging maluwag pa din sa loob ni Edward at nasabi na din niya sa kapatid nito.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...