Tumuloy na sina Maymay pauwi sa bahay nila.
Nang makarating ay agad naman silang sinalubong ni Mama Lorna at ni Vincent.
'Oh asan si bayaw?' Tanong ni Vincent.
'Umuwi na kuya.' Sagot naman ni Maymay.
'Oh eh bat ito andito pa?' Turo nito kay Edward.
'Cause we still got works to do.' Si Edward ang sumagot sa kapatid ni Maymay.
'Tss.' Halatang hindi naging masaya si Vincent na si Edward ang kasama ni Maymay at hindi si Tanner. Saka ito tumalikod at umalis.
'Edward, pagpasensyahan mo na si Vincent huh. Ganyan pang talaga yan pero mabait namang bata yan.' Paghingi ng paumanhin ni Mama Lorna kay Edward.
'Okay lang po. Wag po niyo ako alalahanin.' Sagot naman ni Edward.
'Naku eh nahihiya lang naman ako at napakabait niyo ng pamilya niyo kay Maymay tapos itong anak ko nagpapasaway.'
'Okay lang po talaga. Kung sakaling Kuya din naman ako ni Dale baka mas malala pa po ako sa anak ninyo.' Natatawa tawa na lang na sagot ni Edward.
'Salamat sa pagintindi Edward. Halika na at ipasok niyo na yang mga gamit ninyo.'
Sumunod naman si Edward sa sinabi ng nanay ni Maymay at kinuha ang mga gamit nila ni Maymay.
Ihinatid ni Edward ang gamit ni Maymay sa kwarto nito at tumuloy naman siya sa guest room na dating tinuluyan ni Tanner.
Humiga si Edward sa kama upang magpahinga ng bahagya ngunit hindi pa nakakatagal eh nakaramdam na ito ng pangungulila.
Ilang araw sila na halos magkatabi ni Maymay sa kama at nakasanayan na niya na nakayakap ito sa kanya habang natutulog at mukha din nito ang una niyang nakikita tuwing umaga.
Agad namang nagreply si Maymay.
Makatapos replyan ni Edward si Maymay ay tinawagan naman siya agad nito.
'Let's see later.' Ang sagot ni Maymay sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...