'Huy. Ano ba nangyayari sayo?' Tanong ni Pat sa kaibigan na wala pa ring tigil sa pag iyak.
'Nag-away kami ni Edward Pat.' Sagot naman nitong pilit dahil hirap pa din sa paghikbi.
'Oh eh nagaway lang naman pala. Normal naman yun. Para kang namatayan dyan.'
'It's not as simple as that.' Sagot naman ni Maymay.
'Eh gusto mo bang pagusapan?!' Tanong naman ni Patricia.
Pilit umayos ng upo si Maymay at pinunasan ang mga luha niya.
'Kuha mo muna akong tubig please?!' Pakiusap nito sa kaibigan dahil para ng matutuyo ang lalamunan niya at sobrang sakit ng ulo niya.
Sumunod naman si Pat at ikinuha ng tubig ang kaibigan. Nang makabalik ito kay Maymay ay agad agad ni ininom nito ang tubig.
'Thanks Pat.' Sabi nito.
'No sweat. So ano nga nangyari?' Umupo si Patricia sa tabi ni Maymay at hinarap ang dalaga.
Ikinwento ni Maymay lahat ng pangyayari kay Patricia pati na rin ang mga nasabi ni Edward sa bahay ng mga magulang nito hanggang sa pag-aaway nila sa loob ng sasakyan nito.
'I agree. Hindi nga naging maganda yung reaksyon niya.' Sabi ni Pat ng marinig ang kwento ni Maymay.
'Hindi talaga!' Pagsang ayon naman ni Maymay.
'Pero buntis ka nga ba?!' Sa ikinwento ni Maymay ay nagduda din si Patricia sa totoong estado nito.
'Hindi nga ako buntis.' Mariing pagtanggi ni Maymay.
'Eh paano mo naman nalaman?! Nag PT ka ba?!' Tanong nito.
'PT? Hi-hindi.' Kunot noong sagot nito. 'Nagpipills ako Pat. Hindi ko kailangan magPT.'
'Nagpipills ka nga. Sure ka ba na never kang may namiss?!' Pag-uusisa ni Patricia.
Duon na napaisip si Maymay. Sa sobrang kabusy-han nilang dalawa ni Edward sa opisina at busy sa isa't-isa pagka-uwi sa bahay, inaamin niyang may nalagpasan siyang mga araw.
'O-oo. Pe-pero mga isa o dalawa lang naman yun.' Pagdedepensa nito.
'Hay naku Maymay. Kahit na nagpipills ka at kahit isa o dalawa lang ang nalagpasan mo, kung makamandag talaga ang semilya ng jowa mo, may chance talagang buntis ka nga.'
'Pa-pano kung buntis nga ako Pat? Anong gagawin ko?' Tanong ni Maymay sa kaibigan. Unti unti na namang pumapatak ang mga luha mula sa mata niya.
'Wag mo muna stressin sarili mo please.' Pakiusap ni Patricia. 'Hindi makakatulong yan kung talagang buntis ka at kung hindi naman, inaaksaya mo lang ang energy mo.'
'I'm so lost. I really don't know what to do?' Sabi nito.
'Ganito na lang. Magpahinga ka na muna. Bibili lang ako ng food natin. Ikukuha na din muna kita ng damit sa bahay. Pahihiramin na muna kita dahil walang kalaman laman ang cabinet mo.' Sabi nito.
'Oh sige Pat. Hihiga muna ako sa taas. Sobrang thank you ah.' Tipid na ngumiti si Maymay kay Patricia.
'Sus! Drama mo. Ako lang kaibigan mo dito kaya wala akong choice.' Sabi nito. Pilit pinagagaan ni Patricia ang loob ni Maymay.
Nang makaakyat na si Maymay sa kwarto nito ay saka lumabas si Patricia sa bahay ni Maymay.
'Ay! pussy mo green!' Halos malaglag ang puso ni Patricia sa lalaking bumungad sa kanya sa labas ng bahay ni Maymay.
'Ano ka ba naman Sir Edward. Aatakihin ako sayo eh.' Sabi nito.
'Sorry Pat. How is she?' Halata ang pag-aalala sa mukha ng binata.
'Ano bang gusto mong marinig? Yung totoo? O kung ano lang ang magpapasaya sayo?' Seryosong tugon ni Patricia.
Hindi naman nakapagsalita si Edward sa tinuran ni Pat.
'Sorry Sir Edward pero sa ngayon hindi ako empleyado niyo. Ngayon, kaibigan ako ni Maymay.' Panimula nito. 'Aaminin ko sayo, kahit ako hindi natuwa sa naging reaksyon mo.'
'Nasaktan ako para kay Maymay at alam kong mas nasasaktan siya.'
'I know that is why I can't face her yet.' Sagot naman ni Edward. 'I really just want to check up on her. Glad you're there for her Pat. Thank you.'
Napailing na lamang si Patricia sa sinabi ni Edward. Akala niya ay kakausapin na nito si Maymay at hihingi ng tawa pero hindi pala.
'Ngayon sir alam mo na na hindi siya okay. Makakaalis ka na.' Sabi naman ni Patricia.
'Pat, i know you're also mad at me but I will ask a favor from you please.' Sabi nito.
'Keep me updated. About anything. Good or Bad. I want to know.'
'My loyalty lies with my friend sir.' Sabi ni Patricia. 'Pasensya na.'
Saka akmang aalis si Patricia.
'Wait--'
'Here' may iniabot na bag si Edward kay Pat.
'Some of her things. I know wala siyang gamit dito.' Sabi nito.
'Wow ah. Buti pa ang paglalayas niya suportado mo. Pero hindi ang magiging anak niyo, kung sakali. Sabagay, pabor nga naman sayo yun.' Hinaltak ni Pat ang dalang gamit ni Edward.
'Sige na. Makakaalis ka na.'
Pumikit lamang ng mariin si Edward habang tinatanggap ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Patricia. Alam niyang kasalanan niya kaya hindi na siya sumagot pa.
Gaya ng sabi ni Pat. Umalis si Edward.
Ipinasok naman muna ni Patricia ang gamit na dala ni Edward sa loob at nagulat ito ng makitang nakatayo si Maymay sa gilid ng pintuan.
Nakatulala lamang ito habang patuloy ang agos ng luha sa kanyang mga mata.
'Uy! Anong ginagawa mo dito. Diba sabi ko magpahinga ka?'
Tipid na ngumiti sa kanya si Maymay. Kinuha nito ang gamit na ipinasok ni Pat.
'It's okay Pat.' Sabi nito. 'Maganda na din na nalaman ko.'
'I guess this is it. He doesn't want to do anything with me anymore.'
Saka ito tumakbo pabalik sa kanyang kwarto at duon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Isinubsob ni Maymay ang mukha sa unan at saka niya pinakawalan ang lahat ng luha na pilit niyang pinipigil habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
Sinisi ni Maymay ang sarili sa nangyari. Siya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi siya nagpadala sa init ng katawan ay hindi masisimulan ang kung ano man ang namagitan sa kanila ni Edward.
Hindi dapat siya naniwala sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Hindi dapat niya hinayaang mahulog ang loob sa binata.
At higit sa lahat, hindi sana niya hinayaan ang sariling mahalin ng sobra ito ng sobra.
Bumangon si Maymay sa pagkakadapa. Tinitigan nito ang singsing na isinuot sa kanya ni Edward habang siya ay natutulog.
'I'm stuck on you? I don't have a choice? Putang ina mo! Sinungaling ka.'
'Hindi pa nga siguradong buntis ako tumakbo ka na. Wala kang kwenta!'
Saka nito hinubad ang singsing na ibinigay ni Edward at itinapon sa labas ng bintana.
Unti unting nanghina ang tuhod ni Maymay at dahan dahan siyang napaupo sa sahig habang humahagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...
