Inabot na ng tanghalian ang tatlo sa paghahanap ng hotel para kay Edward.
Itinulog na lamang ni Edward sa likod ng sasakyan ang inis sa presensya ni Tanner na halatang palagay na ang loob kay Maymay at ganun din ang dalaga dito.
Naalimpungatan si Edward ng marinig na tumunog ang telepono ng dalaga.
'Hello, Ma?' Bungad ng dalaga.
'Hindi pa nga po eh.'
'Kaya nga.'
'Hindi pa din po.'
'Sigurado ka po?'
'Eh sige sige, papunta na kami.'
'Okay po. Thank you.'
'Sa bahay na daw muna tayo para makaka-in ng Lunch.' Sabi ni Maymay kay Tanner.
'H-huh? Ss-sa bahay niyo?' Gulat na tanong ni Edward na biglang nagising sa sinabi ng dalaga.
'Yes, mom cooked something for lunch. Anyway, tanghali naman na.'
Kinabahan si Edward. He only planned the meet with Maymay but not with her family.
No one knows what were the stories that she's been feeding her family para matawag siya ng kapatid nito na Kumag.
'Baka naman meron pa tayong madaanan na hotel.' Sabi ni Edward.
'Wala nga. Kanina pa tayo ikot ng ikot. Napapagod na ako.' Masungit na sagot naman ni Maymay na iki-naguilty ng bahagya ni Edward.
Yeah, she should be having a vacation right now. Spending time with her family but here she is, helping him find a place to stay.
'Sige.' Sumang-ayon na lamang si Edward sa dalaga.
-
Dumating tatlo sa bahay nina Maymay. Sinalubong sila ng nanay ng dalaga.
'Ikaw ba yung Edward?' Tanong ng ginang kay Edward.
'Ay, ako nga po.' Tinanggal ng lalaki ang sumbrelong suot at nagmano dito.
'Kaawaan ka ng Diyos.' Sagot naman ng ginang.
'Lika na kayo dito sa loob.' Pag-aya ng ginang.
Sabay sabay pumasok ang tatlo at dumiretso sa kainan.
'Magsikain na muna kayo, lalo na ikaw Edward at galing ka pa sa byahe. Mukhang hindi ka pa nakakatulog ng maayos.' Sabi ng ginang kay Edward.
Nagulat naman si Edward sa concern na pinapakita nito sa kanya. He had been expecting the worst treatment from her but it was the total opposite.
'Maraming salamat ho.' Sagot nang binata dito. 'Okay lang po ako. Nakatulog naman ako kahit papano sa eroplano.' Pagsisinungaling niya. Dahil kahit yata 1 minuto eh hindi nito nagawang maidlip man lang dahil sa ingay ng bata.
'Maraming salamat pala sa iyo at sa pamilya mo hijo huh at tinanggap niyo na parang inyo itong Maymay namin. Kahit pa minsan eh may pagka maldita ito.' Sabi ng ginang kay Edward na ikinangiti naman ng binata.
'Hindi lang po minsan.' Bulong ni Edward.
'What did you say?' Tanong naman ni Maymay habang nakataas ang kilay.
'Huh? Wala ah.' Palusot nito.
'Oh Maymay, kakasabi ko pa lamang eh. Wag mo nga sinusungitan ng sinusungitan itong boss mo at kahit pa gaano ka kapalagay sakanya at sa oamilya niya, boss mo pa rin siya. Lagi mo yang tatandaan.' Sita ng ginang kay Maymay.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...