91. CONFRONTATION

2.5K 212 40
                                    

Maymay got up after a sweet reminiscing of the night before. She's reeking of the smell of sex and she doesn't care. It was already half past 11 in the morning when she decided to get out of the bed. Napasarap talaga ang tulog niya.

She found Edward's note on the bedside table.

Have to run to the office. I'll see you later Love.
I also have a surprise for you waiting downstairs.

Your Man X

Kaya naman dali daling bumaba si Maymay pagkatapos magdamit. Yes, she was left naked by her soon to be husband but she woke up wrapped up in a comfort of a blanket.

Pagkababa ni Maymay ay halos madapa ito ng makita ang ina at si Vincent na kumakain sa dining area kasama ni Manang Selya.

'Ma. Kuya..' tawag niya sa mga ito na nagpalingon naman agad sa dalawa.

'Oh anak gising ka na pala.' Dali daling tumayo si Lorna sa hapagkainan para salubungin ang anak.

'Wait Ma. Sorry, di pa ako naliligo.' Sabi ni Maymay na hinarang ang kamay sa ina ng nagakma itong yakapin siya. She was suddenly worried about how she smells.

'Anak! Ako ang naglabas sayo. Kahit ano pang amoy mo yayakapin at yayakapin kita.' Sabi nito at saka hinila si Maymay upang mayakap.

Natawa namang bigla si Lorna habang nakayakap sa anak. 'Oo nga nak. Kaiba nga ang amoy mo.' Ani nito.

'Told you. Pero wait Ma. Ano nga pong ginagawa niyo rito?' Tanong ni Maymay habang kasabay na naglakad ng ina pabalik sa hapag kainan.

'Eh inasikaso ni Edward ang flight namin. Sabi niya hindi daw kayo makakauwi ng Camiguin. Pinasundo niya kami kanina kay, sino nga ba yun? Nonoy ata yun.' Sagot ng ina.

'Nonong po.' Sagot naman ni Maymay.

'Oo yun nga.' Sagot naman ng ina.

Binalingan naman ng atensyon ni Maymay si Manang Selya.

'Manang kelan po kayo dumating? Maraming salamat po sa pagasikaso kina Mama.' Sabi nito.

'Tinawagan ako ni Edward kagabi pa. Pumunta daw ako dito ng maaga at may bisita ka.' Sagot naman nito.

'Ganun po ba? Eh maraming salamat po.'

'Naku hija. Walang anuman. Sige na at mananghalian ka na din. Anong oras na.'

'Sabay na ho kayo.' Sabi nito sa matanda.

'Hindi na muna. Aakyat na muna ako sa taas at magaayos. Busog pa naman ako.' Sagot ng matanda. Alam nitong kailangan makapagusap ng pamilya.

Nang makaakyat si Manang Selya ay nakahanap si Vincent ng tyempo.

'Eh ikaw? Ano ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa bahay mo?' Masungit na tanong ni Vincent na nakayuko lamang habang kumakain.

'Ha? Ahhh. Ehhhh. Mahabang storya kuya eh.' Hindi alam ni Maymay kung paano sasabihin sa kapatid kung bakit nga ba dun na siya tumutuloy kina Edward.

Nakaramdam din ng bahagyang inis si Maymay kay Edward na hindi man lang nito sinabi sa kanya ang pagdating ng pamilya. Nakauwi sana siya sa kanila at dun na muna tumira habang nandito ang nanay niya at kapatid. Hindi na dapat niya inaalala kung ano ang sasabihin sa dalawa.

WHO'S THE BOSS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon