Maymay woke up a bit later than normal.
'Shit!' She cussed after seeing what time it was. She was supposed to be on the board meeting in 30 minutes and yet she was still at home.
She wanted to move as fast as she can but she stopped ferself frok doing so as she's concerned about the baby inside her tummy.
Alam naman niya na protektado ang ang anak niya ng bahay bata sa loob ng tyan niya pero natatakot pa din siyang gumalaw ng gumalaw dahil baka maalog ito.
Tinawagan muna ni Maymay ang kanyang sekretarya.
'Jenny, can you just let everyone now that I might be late for a few mins.' Sabi nito.
'Sige po maam. Makakaattend pa din po ba kayo sa meeting?' Tanong ni Jenny sa kanya.
'Oo naman. Malalate lang ng konti. Bibilisan ko na lang magdrive.' Sagot nito.
'Oh sige po ma'am. Ingat po kayo.'
Pagkatapos makausap ni Maymay si Jenny ay nagpasya na itong maligo.
'Ano ba yan kung kelan nagmamadali saka naman walang maisuot.' Inis na inis si Maymay ng kahit ano na lang ang kuni nito ay feeling niya hindi bumabagay sa kanya. 'Parang ang taba ko.' Sabi ni Maymay sa sarili ng isukat nito ang isang dress na napili.
'Uy! Parang na enhance yung boobs ko.' Sabi ni Maymay ng isukat ang isang itim na damit.
'Ito na lang. Hindi naman halata yung tyan ko dito.' Sabi ni Maymay habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Dahan dahang naglakad si Maymay palabas ng kanyang bahay. Hindi pa kasi siya nakakapamili ng flats kaya sobrang ingat siya sa paglalakad.
Nagulat naman ito ng makitang nakaparada ang isang malaking itim na SUV sa tapat ng bahay niya.
'Hala. Paano ako makakalabas niyan?!' Nakaharang ito sa sasakyan niya.
Pinuntahan ni Maymay ang driver's side ng sasakyan at kinatok ito.
'Ay ma'am andyan na pala kayo.' Sabi nito saka bumaba ng sasakyan si Nonong upang ipagbukas ng sasakyan si Maymay.
'Bakit po kayo nandito?' Tanong ni Maymay.
'Eh inutusan po ako eh.' Sabi nito habang nagkakamot ng ulo.
'Ha? Si Tito Kevin ba?' Tanong ulit nito.
'Hindi po ma'am. Ni sir Edward po. Pinapunta niya po ako dito kasi late daw po kayo. Eh medyo delikado daw po kayo magdrive kapag nagmamadali kaya niya ako pinadala.' Sagot naman nito.
Nagulat si Maymay sa sinabi ni Nonong. Akala niya ay tumigil na si Edward sa panunuyo sa kanya simula ng hindi niya ito replyan nung nakaraang araw dahil hindi ito nagpaparamdam sa kanya.
'Naku. Sana po hindi na kayo nag-abala.' Sabi ni Maymay kay Nonong.
'Ay naku ma'am. Wala din naman akong ginagawa. Lahat naman sila nagdadrive kanya kanya. Hindi ko nga alam bat hindi pa nila ako dinidispatsya eh.' Sabi nito.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...