Nagcelebrate nga ang 5 sa isang restaurant along BGC.
Masaya ang nagiging kwentuhan nila at hindi rin maiwasan na tuksuhin sina Maymay at Edward.
'Kaya pala ayaw na ayaw mo pag nilalapitan ko si Dale. Ikaw pala may plano!' Pang-aasar ni Marco kay Edward.
'Shut up! I didn't want you near her kahit pa wala akong plano sa kanya no! Lost cause ka brader! Baka mawalan ako ng assistant ng wala sa oras.' Sagot naman ni Edward.
'Pero teka nga pala. Sino papalit kay Dale?' Tanong ni Patricia.
'Wala pa sa ngayon. Recruitment will release the advert by tomorrow for urgent hiring. I only have the rest of the week to transition. Kung papalarin, baka payagan ako ni Tito Kevin until next week.' Sagot naman ni Dale.
'This is gonna be hell for me!' Sabi naman ni Edward na sapo sapo ang ulo.
'Ikaw na lang kaya Pat.' Suhestyon ni Maymay.
'Hala. Bakit ako? Hindi ko pwede iwan si Luis no.' Sabi naman ni Pat.
'Kinakabahan ako dito kay Edwardo eh! Baka pag nakakita ng sexy at maganda makalimutan na may girlfriend siya.' Sinadyanh ipinaparinig ni Maymay kay Edward ang mga sinasabi.
'Love, wala na akong ibang nakikita. Just you! Okay! Kahit sino pa yan.' Sagot naman ni Edward.
'Ako na lang kaya?' Si Jeremy naman ang sumingit.
'What do you know about being an assistant?' Tanong no Edward sa kanya.
'I assist. Yun lang naman yun diba?' Sagot naman nito.
'Bruh! It's nothing like basketball. Tumahimik ka na pang jan!' Tinapik naman ni Marco si Jeremy sa balikat para patahimikin ito.
'Saka na natin yan problemahin! We're here to celebrate Dale's promotion.' Si Edward.
'Tama. Saka na natin yan problemahin.' Pagsang ayon naman ni Patricia.
Maya-maya pa ay inaya ni Patricia si Maymay papunta sa Ladies Room.
Habang nagreretouch ang dalawa ay kinausap ni Par si Maymay.
'Dale. Iuwi mo na nga yang boyfriend mo.' Sabi nito sa kaibigan.
'Huh? Bakit?' Takang tanong naman ni Dale.
'Ako kasi kinikilabutan sa mga tingin niya sayo eh. Para kasing ano... uhm. Yun bang gutom na gutom.'
'Huy Pat! May makarinig sayo!' Nahampas tuloy ni Maymay ang kaibigan.
'Sige na! Iuwi mo na. Maiintindihan naman namin. Maiintindihan ko din kung hanggang sa lunes eh ika-ika ka! Sabihan mo lang ako kung papadalhan kitang wheel chair ah.' Pagbibiro ni Pat.
'Patricia!!!!!'
Bigla namang natahimik ang dalawa ng biglang may pumasok sa Ladies Room.
'Do you mind?' Tanong nito kay Maymay. Halatang pinapausog siya ng babae.
'No. Sorry.' Sabi naman ni Maymay saka umusog.
'Halika na Pat.' Aya ni Maymay kay Patricia.
'Tara na!' Saka inismiran ni Patricia ang babae na halata ang pagka bitchesa.
-
Pagkabalik nina Maymay ay inaya na nga nito ang nobyo pauwi.
'Love, let's go? It's getting late na din kasi.' Aya ni Maymay kay Edward.
'Finally! I've been waiting all night for you to ask me that.' Sabi nito.
'Huh? Bakit naman?'
'Cause I can't wait to have you all to myself. You know, I don't like sharing you or your attention with anyone.' Sabi nito.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...