Nagayos si Edward upang lumabas.
'Iwan mo ko?' Tanong ni Maymay.
'Eh you said you want McDonald's diba?!'
'Sama ko!' She said while pouting.
'Eh late na Love eh!'
'Eehhh sige na. Drive through lang tayo! Please?' Paglalambing nito at niyakap si Edward ng mahigpit.
Nakapantulog lamang si Maymay na sumama kay Edward. Sinubukan siyang pagbihisin ni Edward pero ayaw niya at naiinitan daw siya at tinatamad pa.
When they got to McDonald's biglang nagbago ang isip ni Maymay.
'Let's just eat here love!' Sabi nito sa kanya.
Tiningnan siya ni Edward mula ulo hanggang paa.
'Eh?! NO!' Mariin nitong sagot.
Bigla nalamang narinig ni Edward na humihikbi si Maymay.
'Uy! Bakit ka umiiyak?!' Nataranta si Edward at sinapo ang mukha ni Maymay.
'Gutom na gutom na kami nina B1 at B2! Hindi na kami makakapag antay na makauwi!!' Nanginginig nginig pa ang labi at baba ni Maymay.
'Syempre pag nagutom sila, maglilikot sila. Tapos tapos papayat sila. Tapos pano pag naging malnourish yung kambal natin?!'
'Love naman eh! Tingnan mo naman kasi yung suot mo!' Sabi nito sa kanya.
'So kinakahiya mo ko?' Tanong naman nito.
'Of course not! Kahit pa garbage bag lang ang suot mo ipagmamalaki kita!' Sabi nito.
'Pagsusuotin mo ko ng garbage bag?! Kakawawain mo ko?! Magihing battered wife ba ako?!' Ngumawa ng ngumawa si Maymay.
'Ano ba yan Love! Tama na! Lika na, kain na tayo sa loob!' Napakamot na lamang ng ulo si Edward. Hinubad niya ang suot niyang hoodie at ipinasuot kay Maymay. Mabuti na lamang at may shirt siya na loob.
'Oh suot mo to!' Sabi sa kanya ni Edward. Pagkasuot na pagkasuot ni Maymay ay bumaba na ito sa sasakyan. Malapad ang ngiti sa mga labi.
'Bilis nagbago ng mood mo ah!' Sabi ni Edward habang papalapit sa kanya.
'Ehe! I was just kidding Daddy! Lika na!' Hinatak nito ang kamay ni Edward at naglakad papasok ng McDonalds.
Walang nagawa si Edward kundi sumunod kay Maymay.
As soon as Maymay stepped inside the store, all eyes are on her.
Bumuntong hininga na lamang si Edward so he can stop himself for poking every guys eye inside the store.
'Upo ka na dito.' Sabi niya kay Maymay.
'What do you want to eat?!' Tanong niya.
'Uhm. Love, I want double cheeseburger and large fries plus chicken nuggets and a caramel sundae! Gusto ko din nung ano mcfreeze na grapes!' Sabi ni Maymay.
'Di ka gutom masyado no?!' He said with a little bit of sarcasm.
'Syempre Love. Gabi na mahirap matulog ng busog!' Sagot naman ni Maymay. Halos maubo si Edward sa kakapigil ng tawa.
He went to the counter and Maymay was left at their table.
The cashier who was taking the order was looking at him questionably and Maymay who was seated near the counter.
'She's pregnant!' Sabi na lang nito.
'Oh kaya pala ang dami! Congrats sir!' Sabi nito na nginitian lang ni Edward.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...