'Love akyat na tayo. Ayos na tayo gamit.' Anyaya ni Maymay kay Edward.
'Sige tara.' Iniabot ni Edward ang kanyang kamay kay Maymay para alalayan itong tumayo bago tumungo paakyat ng kwarto.
'Mom, akyat lang po muna kami ah.' Sabi ni Edward sa ina.
'Oh sige! Dito muna samin tong dalawa.'
'Mama.' Tawag ni Maymay sa ina na tinanguan naman ito bilang pagsang ayon sa pag-akyat ng dalawa upang makapaginga.
'Ops ops teka.' Tawag muli ng Mommy ni Edward bago humakbang ang dalawa.
'Pahinga ang sabi namin ah. Pahinga.'
'Mom! Stop it. We will fix the room first then we'll rest that's all!' Pabalang na sagot ni Edward kay Mommy Cathy.
'Eh naniniguro lang.' Natatawang sagot ni Cathy na sinaway naman agad ng asawa.
Iiling-iling ang dalawang umakyat sa kanilang kwarto.
Napagdesisyunan ng dalawa na sa kwarto muna nila matutulog ang kambal para madali nilang maalagaan lalo na sa gabi.
Kaya nakahanda na ang crib ng dalawang bata sa kwarto nilang mag-asawa.
'Hay salamat! Home at last.' Halos ibagsak ni Maymay ang katawan sa kama.
'You happy we're home?' Tanong ni Edward.
'Oo naman. Ito na yun! Start na talaga ng buhay pamilya nating dalawa.' Sabi ni Maymay.
'Oo nga. I am so excited.' Sabi ni Edward.
'Ako din!' Nakangiting sagot ni Maymay saka ito tumayo at nagtanggal ng damit.
'Hey! Hey! What are you doing?!' Biglaang tanong ni Edward na tumalikod sa asawa.
'Magpapalit ng damit?!' Nangungutyang sagot ni Maymay.
'Bakit dito? Bakit hindi ka sa bathroom magpalit o sa closet?!' Hindi pa rin magawang tingnan ni Edward si Maymay.
'Bakit hindi dito?!' Kunot noong tanong ni Maymay. Nawiwirduhan sa ikinikilos ng asawa.
'Oh sige. Dyan ka na magpalit. May kukunin pa pala ako sa baba.' Agarang tumakbo si Edward palabas ng kwarto.
Tinitigan lamang ni Maymay ang pintong nilabasan ni Edward. Nagtataka sa biglaang ikinilos ng asawa.
Nang hindi makahagilap ng rason sa ginawa ni Edward ay ipinagkibit balikat na lamang iyon ni Maymay at itinuloy na lamang ang pagbibihis ng damit.Makalipas ang ilang minuto ay narinig ni Maymay ang marahang katok sa pintuan.
'Love? Bihis ka na?!' Tanong ni Edward mula sa likod ng pinto.
'Yes.' Sagot naman ni Maymay sabay ng pagbukas nito ng pinto.
'And since when do you care if I am decent or not?!' Tanong nitong muli.
'The last time I checked you prefer me naked. What changed?!' Tanong nito.
'Ha?! Ahhh ehh wa—la. Wala naman!' Kamot batok na sagot ni Edward.
'Wala naman akong stretch marks ah!' Sabi ni Maymay.
'So?'
'Nandidiri ka bang tingnan ung katawan ko?'
'No! Of course not! With stretch marks or not, you are perfect!' Edward answered with conviction.
'Oh eh bakit nga?!' Iritado nang tanong ni Maymay.
'Basta.'
Nagtatampo man si Maymay sa asawa ay ipinag sawalang bahala na lamang niya ang ikinikilos nito.
BINABASA MO ANG
WHO'S THE BOSS?!
RomanceIto ay isang kwento na hindi ko alam ano ang magiging takbo! Paumanhin kung hindi ito pasok sa taste mo! Paalala! This is not your goody goody kind of story. No minors allowed please. Plus, this is nothing but a work of fiction. Please do not take...