CHAPTER 6

283 9 1
                                    

*Forget*

Chreslyn Edwards POV

Pagkalabas ko, uminit agad ang mga mata ko at naramdaman ko na lang ang luha ko na halos di maubos-ubos mula sa mga mata ko..

Ang sakit, subrang sakit nang nakita ko kanina kaya ata hindi ako nakapagsalita agad at halos hindi ko naigalaw ang mga paa ko sa subrang shock..

Lalo na nang makita ko yung babae...

How come?

Paano niya naging girlfriend ei tanda ko pa na galit na galit siya sa babaeng yun nung araw nang reception..

Bumalik sa isipan ko ang tawa ni Riley kanina, ngayon ko lang siya nakitang tumawa nang ganun..

Yung tawa na sincere na hindi niya ginustong lumabas mula sa bibig niya..

Yung parang puso niya ang tumatawa..

Nang sabihin niya kaninang girlfriend niya yung babae parang gusto kong tumawa, dahil alam ko na ginagawa niya lang yun para pag selosin ako

at hindi ako insecure na mapapalitan ako agad ni Ri-ri dahil matagal na panahon rin ang pinag samahan namin

at kung ipagpapalit niya ako hindi sa katulad nang babaeng yun..

Pinahid ko yung mga luha ko nang mamataan ko na papalapit sa akin kanina yung babae..

"Hi.." nakangiti niyang pag kausap sa akin , kahit na gusto ko siyang sungitan hindi ko magawa

dahil para akong natunaw nang ngumiti niya, ngiting seryoso, ngiting inosente..

Makikita mo sa mga ngiti niya na isa siyang mabait na tao..

Kaya bakit sa dami nang babae sa mundo ang isang to pa ang sinisimulan nang gamitin ni Ri-ri para mapa selos ako?

"Hi.." nakangiti ko ring sabi sa kanya at nilahad ko ang mga kamay ko..

"Chreslyn Edwards.. "

"Manilyn Lontabo.. may lahi ka bang iba? hindi alien ha? yung parang half korean or ano??"

Napangiti na lang ako sa kanya..

"My father is a half american kaya parang one fourth na lang ako.."

"Ahh parang half half half ka.. nakakatuwa naman yun, sana ako rin kaso puro talaga ang magulang ko.."

Napatango na lang ako tapos lumingon siya nang may naramdaman ata siyang naglalakad kaya napalingon din ako

tapos umismid si manilyn, pano niya naman kaya nalaman na may papalapit?

naglalakad kasi palapit sa amin si Ri-ri..

"sabi ko na ei, siya na naman.."

"Ha??"

"Naamoy ko kasi agad yung pabango niya, hay, nababaliw na ata ako, sige bye.." tumakbo na siya na parang bata narinig ko naman ang sigaw ni Ri-ri..

"Hoy sandali lang! Hoy! hintayin mo ako!!!!" pero hindi nakinig si manilyn at tumakbo lang, para ngang hindi pa ako napansin ni Ri-ri , pero nung nasa malapit na siya napatingin siya sa akin..

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon