CHAPTER 70

176 4 0
                                    

[A'N: Masyado akong nahirapan sa chapter na ito, nakakawindang nang isip, halos wala akong maisip na plot sa pagkikita ni mike at lea,

tssss, ang complicated naman kasi nang sitwasyon, kaya sana maintindihan niyo kung hindi masyadong okay ang kalalabasan niya. *kagat kuko*

Sorry poo.. *_* But promised gagawin ko naman ang lahat ei para sa chapter na ito sana nga lang hindi siya masyadong OA..

pero kung sakali pag pasensiyahan niyo na at wala talaga kasi akong kwenta sa drama scene. :-)]

#Lastmeet

----------------------------

*Huling Pagkikita*

"YOUNG LADY?????" napasigaw si manang fe at natutuwang niyakap ako nang mahigpit kaya binalik ko naman ang yakap ko sa kanya..

"Ano po ang ginagawa niyo rito??" tanong niya sa akin na nagtataka pa siya..

"Si manilyn po??" tanong ko naman sa kanya pagkapasok namin sa loob nang resthouse, napalingon naman sa akin ni manang..

"ha??" tanong niya na para bang wala siyang naintindihan sa tanong ko..

"Namasyal po ba siya? nagmadali ako sa pagpunta rito dahil sa boses niya na para bang kailangan niya ako tapos namamasyal lang pala siya??" nakangiti ko namang tanong..

"Pero nung isang araw pa po bumalik sa manila si manilyn dahil sinundo siya nang gwapo niyang boyfriend dito.."

Natigilan naman ako sa sinabi ni manang..

"Ano po??"

"Pumunta ka ba dito dahil sa kanya? wala na po siya rito young lady.." napatingin naman siya sa may pintuan na para bang nagaalala siya sa maaring sumulpot sa pintuan,

may multo ba?

"Pero tinawagan niya pa lamang ako si------" napatigil ako sa pagsasalita ko nang may narealize ako, bakit niya ako magagawang tawagan gamit ang phone

niya kung hindi pa siya nakabalik nang manila? Bakit hindi ko naisip na hindi niya dala ang cellphone niya..

Pinaglalaruan niya ba ako?

Pero bakit niya naman gagawin yun? bakit maiisipan niya akong tawagan na papuntahin rito kung walang dahilan?

Ano ba ang nangyayari?

Napatingin ako kay manang nang bigla niya ako hawakan sa braso ko..

"Ibobook ko po kayo nang ticket para makabalik kayo agad nang manila, halina po kayo young lady.."

"Andito na ako kaya bukas na lamang ako babalik nang manila, medyo napagod po ako sa biyahe.." umakyat naman ako agad sa kwarto pero

bago yun ay narinig ko pa ang sinabi ni manang..

"Diyos ko, ano ba ang gagawin ko..??"

Nagtaka tuloy ako dahil sa sinabi niya, may tinatago ba siya?

Bakit pakiramdam ko gusto niya na umalis na ako agad, bakit?

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon