Lea POV
Nakangiti akong lumapit kina manilyn at kim na kasalukuyang kumakain sa canteen,
kumaway naman sa akin si Kim, umupo ako sa tabi ni manilyn at tinanggal yung glasses ko..
"Alam mo maganda ka para mag suot nang ganyan kakapal na glasses, wala ka bang nakikita kapag wala kang suot niyan?" tanong sa akin ni manilyn,
umiling naman ako sa kanya,.
"Mas comportable ako kapag may suot nito, oo nga pala kumusta naman ang music video niyo??"
"Hay, nakakapagod kaya.." sabi ni kim kahit na puno pa yung bibig niya sa pagkain, pero imbes na ngumiwi ako dahil sa ginawa niya
ay napatawa pa ako, ang cute kasi niyang tingnan..
ewan ko ba kung bakit hindi ako naiinis sa inaasal niya kasi yung totoo it's not a good manner,.
pero ang cute niya kasi. *__*
"Hindi mo ata kasama si Riley??" tanong ko kay manilyn at tumingin sa paligid na para bang inaasahan ko na makikita ko si riley sa paligid
pero hindi si riley ang namataan ko kundi si tristan, ngumiti siya sa akin at kumaway na para bang close kami,
nag mukha tuloy siyang baliw..
hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya or sisimangotan ko na lamang siya..
Kaya napatitig na lamang ako sa kanya..
"Kilala mo si Tristan??"
Napalingon ako kay manilyn nang magtanong siya at kimi akong ngumiti..
"I know him, naging classmate ko siya nung highschool but he dont know me na.."
"Ha? paano naman nangyari yun na hindi ka niya nakilala ei , kumaway pa nga siya sayo ei.." - kim
"May sira kasi ang ulo niya kaya ata hindi niya ako nakilala at mahabang istorya kung paano kami nagkakilala ulit.." - ako
"hmmmm, kasi parang crush ka niya.."
napaubo tuloy ako bigla dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko nabilaukan ako kahit na wala naman akong kinakain..
Crush? kinikilabutan ako kapag naiisip ko yun..
Kapag naaalala ko yung highschool days ko ay mas lalo akong kinikilabutan kapag nakikita ko si Tristan..
"Hi girls.." halos manigas ang katawan ko nang marinig ko yung boses ni Tristan at hindi lamang yun,
nagtayuan lahat nang balahibo ko sa katawan dahil nang magsalita siya ay malapit siya sa may leeg ko at ramdam ko yung hininga niya sa may batok ko..
Bakit ako nakakaramdam nang ganito?
nakakatakot talaga ang halimaw na baliw na Tristan na to..
Nilingon ko siya at sinimangotan..
Pero parang balewala lamang sa kanya at feeling close na umupo sa may harapan ko katabi ni Kim..
"Ow? ikaw pala Lea!!" sabi niya naman na kunwari pang nagulat, napailing na lamang ako sa subrang kabaliwan niya,
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomansaA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..