Manilyn POV
"Itigil mo na nga yang kakangawa mo Kim.." naiirita ko nang sabi sa kanya, dalawang araw na yung lumipas magmula nung midterm performance
pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakangawa niya kaya naiirita na ang tenga ko sa kanya..
"Hayaan mo na nga at alam ko naman na makakabalik pa rin tayo sa Section A.." natigil siya sa pag iyak niya at tiningnan ako nang malalim..
ano na naman ang problema niya?
"Anong tayo??" humihikbi niya pa ring sabi..
"Bakit akala mo ba hahayaan kitang mag isa? syempre sasama ako sayo.." seryoso kong sabi sa kanya kaya natigil siya at para bang gusto niya na akong halikan dahil sa sinabi ko. grrr . *&^
"Pero bakit mo ako sasamahan ei hindi ka naman bumagsak.."
"Kung asan ka dapat andun ako, were friends at sabay tayong sumabak sa mundo nang Musiance kaya hindi kita iiwan dapat magkasama tayo hanggang sa huli.."
"Gang.." sabi niya sa akin at niyakap ako nang mahigpit na para bang ayaw niya na akong bitawan na para bang sinasabi nang mga yakap niya na maraming salamat
kaya ngumiti ako nang matamis, wala rin naman sa isip ko ang pumasok sa Musiance kung hindi ko kasama si Kim,
dahil para sa akin siya ang bituka ko at hindi ako mabubuhay kong wala siya..
dahil para sa akin isa na siyang kapatid, mawala na lamang ang lahat sa akin wag lamang ang pamilya ko at si Kim dahil sila ang tanging kayamanan ko sa buhay ko..
"Bitawan mo na nga ako, alam ko na namumunas ka na naman nang sipon mo ei.." simangot ko sa kanya..
"Paano kung aayaw si riley na samahan mo ako sa Section F??"
Kinunotan ko siya nang noo..
"Bakit aayaw si ryle??"
"Kasi kahit ako parang hindi magandang ideya na samahan mo ako kasi hindi mo deserve yun kasi yung totoo ay dapat nasa section A ka at isa pa baka dahil sa akin ay hindi ka rin makapagperform sa final.."
Napabuntonghininga ako..
"Kahit aayaw siya ay ako pa rin naman ang masusunod.."
"Pero kasi gang---"
"At isa pa, kilala ko si ryle hindi makitid ang utak niya.."
"Hindi ko naman sinabi na makitid ang utak niya.." nakaismid niya namang sabi sa akin..
"Para kasing yun ang sinasabi mo ei.."
"Seryoso ata ang pinaguusapan niyo at narinig ko pa ang pangalan ko??" sabay kaming nagulat ni kim nang biglang bumukas ang pintuan nang room namin at nasilayan ko
ang nakangiting mukha ni Ryle..
Napatayo tuloy ako..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..