Manilyn POV
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla na lamang akong napasimangot nang tingnan ako ni Annaya, pakiramdam ko kasi hindi totoo yang luha na tumutulo sa mga mata niya.
Pakiramdam ko nagiinarte lamang siya, pero kung ganun nga masasabi ko talaga na napakagaling niya..
"Sorry talaga ulit.." nagpapahid pa siya sa luha niya.
"Okay na, teka diba masususpend ka ? paano na yan??" tanong naman ni kim,kumunot tuloy ang noo ko nang makita ko ang pagtaas nang kilay ni Annaya,
sabi ko na ei, bruha pa rin talaga siya, kahit anong gawin niyang pagtatago nang tunay niyang kulay ay lumalabas pa rin yung totoo..
"Ayos lang ako, don't worry..sorry ulit kim hah??" tapos hinila niya na si Chreslyn na kanina pa tahimik..
Nakapamewang ako kaya nilingon ako ni gang..
"Mabait naman pala si Annaya gang ei.."
"Hindi.."
inismiran niya naman ako..
"Ano ka ba gang, mabait naman siya kita mo nga diba ang bait niya sa akin kasi sinabi niya yung totoo at nag sorry pa siya.."
Napahinga na lamang ako nang malalim..
"Wag kang masyadong magpapaniwala sa kanya gang baka mamaya may iba pala siyang plinaplano ei.."
"Gang naman ang bad mo, nagiging mabait na nga sa akin yung tao ei.."
"Oo na sinasabi ko lang naman kung ano yung nararamdaman ko ei.."
"Totoo ba??" sabay kaming napalingon ni kim nang bigla na lamang sumulpot si Connor..
"Ang alin??" tanong naman ni Kim sa kanya..
"Na babalik na kayo sa section A??" tumango naman si kim at bigla na lamang siya niyakap ni Connor, pakiramdam
ko na OP ako dahil sa ginagawa nila kaya napatalikod ako habang magkayakap pa rin sila..
Kahit paano hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti, si Connor kahit hindi niya man masabi kay kim na mahal niya si kim ay nararamdaman ko naman na totoo siya sa nararamdaman niya para kay Kim..
Napatago ako sa isang puno nang makita ko si Ryle na naghihintay sa labas nang dorm,
ano ang ginagawa niya diyan? napakamot tuloy ako sa ulo ko, .
"Sabi ko na nga ba, pinagtataguan mo ba ako??" halos manigas ang panga ko nang marinig ko ang boses niya sa likoran ko,
hinarap ko naman siya na nakangiti nang tabingi..
"Hi Ryle.." :-)
"Huwag mo akong daanin sa ngiti mo, kagabi pa kita tenetext na gusto kitang makita pero hindi mo ako sinasagot tapos ngayon naman nagtatago ka sa akin.."
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..