CHAPTER 19

281 6 0
                                    

*New Friend*

Manilyn POV

"Ano bang problema mo??" nakasimangot na sabi ko sa kanya..

"Kaya ba gusto mo nang makipag break dahil sa lalaking yun??"

Napatulala ako sa sinabi niya,.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ryle naman ei, sinabi ko na sayo yung dahilan kung bakit diba? bakit ba napaka kulit mo?"

"At sinabi ko na rin sayong ayaw ko.."

"Ryle naman!!!!"

"Subukan mo ulit lumapit sa lalaking yun at patay sa akin ang Bradly na yun.." nanlaki ang mga mata ko..

Subrang galit yung mukha niya na para bang kaya niya talagang gawin ang sinasabi niya..

Parang gusto ko tuloy isipin na nagseselos siya kay Brad pero duh! hindi naman mangyayari yun..

"Wag mo naman kasing isipin na dahil kay brad gusto ko lang naman makatulong ei, kita mo na? nilapitan ka ni chreslyn kaya dapat maging masaya ka na.."

Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako nang mahigpit..

Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Bakit niya ako niyayakap?

Tapos pakiramdam ko pa, ayaw na ayaw niya akong bitawan, Ryle naman ei ako ang nahihirapan sa ginagawa mo..

"Let's make it 1 month or 2 months.."

Napabitiw ako sa yakap niya at tiningnan siyang mabuti, anong sabi niya?

"Ano???" kumunot yung mga noo ko at parang gusto ko na siyang sapakin sa mga sinasabi niya, anong 1 month or 2 months?

"Yung deal, gawin nating 1 month.."

"Ryle , ano bang sinasabi mo? nababaliw ka na ba????"

"OO BALIW NA AKO!!!" sabi niya at hinawakan ang buhok niya na parang frustrated talaga siya..

Ano bang gusto niyang mangyari?

"Hindi ko alam kung bakit ayaw kong taposin muna to.."

"Ryle.." hinawakan niya ang balikat ko at yumuko..

"Please, help me to know what it is, kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ."

Hindi ako nakapagsalita at tiningnan lang siyang mabuti, yung mga tingin na binibigay niya sa akin ay para bang nagmamakaawa talaga

siya na pumayag ako, hindi ko kasi siya maintindihan ei,

bakit kailangan na naman maging ganun katagal yung deal?

Sinabi ko na nga sa kanya na ayaw ko na at bumabalik na sa kanya si Chreslyn kaya bakit ba ganito ang mga sinasabi niya?

"Please.." nang sabihin niya ulit ang salitang please

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon