CHAPTER 73

193 5 0
                                        

Manilyn POV

Wala akong ibang nagawa kundi patuloy lamang na lumunok, pakiramdam ko mauubusan ako nang laway sa nangyayari..

Kaharap ko ang magulang ni ryle at ganito ba talaga kung kumain ang mayayaman?

Hindi naguusap?

Napatingin ako kay ryle at sa aming lahat siya lamang ang nakangiti at maganang kumakain, hindi man lang ba siya nakakaramdam na iba ang atmosphere dito?

"Thanks for joining our dinner." sabi ni Tita Ella, yung mother ni ryle..

Hindi ko alam kung bakit bigla napaubo si toby dahil sa sinabi nang ina..

Hindi ako nakapagsalita at pinunasan ni Tita ang bibig niya nang tissue at tumayo,

sumunod naman sa kanya si Tito Thomas, father ni ryle..na kanina pa hindi nagsasalita naisip ko nga baka naman pipi ang papa niya?

"Masaya ako at tanggap ka ni mommy.." napalingon ako kay ryle at pinilit ko ang sarili ko na ngumiti,

at gusto ko man na sabihin sa kanya na tanggap niya ba talaga ako or nakikipagplastikan lamang siya?

Pero hindi ko yun magawang itanong sa kanya dahil sa ngiti na nasa mukha niya, ayaw kong madisappoint siya..

Si ryle kahit ilang ulit niya mang sabihin sa akin na ako ang pipiliin niya kung sakali ay alam ko pa ring sa bandang huli ang mama niya pa rin ang susundin niya..

"Ryle.."

"Hmmmm??" tanong niya sa akin at tumingin sa kalangitan, bakit kaya nakangiti ang buwan ngayon?

Masaya ba siya sa nangyayari?

"Sa tingin mo ba mananatili ako sa tabi mo??"

Marahas siyang napalingon sa akin..

"I mean kung naiisip mo ba na hanggang sa huli ay tayo ang para sa isa't-isa??"

"If I cant see you at my side, i can't breath, ganun kita kamahal lyn, hindi ako mabubuhay kapag wala ka sa tabi ko.."

hinawakan niya naman ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko..

"Natatakot ka ba??"

umiling naman ako sa tanong niya..

"hindi sa natatakot ako, naisip ko lang kasi na baka -----"

"Ikaw at ako, alam ko na tayo ang para sa isa't isa kaya huwag ka nang mag isip nang kahit anong bagay, naiintindihan mo ba ako??"

napangiti na lamang ako at napatango..

"Pinatatawag ka ni mommy.." sabay kaming napatingin kay connor,

ngumiti naman si ryle at nagpaalam sandali..

"Wait for me, ihahatid pa kita.." sabi niya naman sa akin at hinawakan pa ang balikat ko bago tumayo..

Nang makaalis siya ay napabuntong hininga ako ulit, naramdaman ko ang pagtabi ni connor sa tabi ko..

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon