CHAPTER 58

140 6 0
                                    

*I don't want to see you cry*

Brad POV

Busy ako sa pag strum nang guitar ko nang mapahinto ako dahil sa humahangos na si Tristan, tiningnan ko siya na parang tinatanong ko kung anong nangyari?

Humihingal naman siyang nagsalita na para bang galing siya sa pakikipaghabulan sa kamatayan, bigla namang nagsilapitan sina James at Connor, tsismoso rin sila ei.

"Nakausap ko si Lea.." napanguso naman ako, yun lang pala yung sasabihin niya? kung maka arte siya ay parang mamamatay na ang buong tao sa mundo. :P

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa pagsstrum nang guitar..

"Hindi lang yun.." napa angat ako ulit nang mukha ko..

"Sabi niya nakausap niya si Kim kanina lang pero bigla na lamang daw siya tiningnan nang masama ni kim.."

"Oh tapos??" parang interesado naman na sabi ni connor..

"Hello? si kim yung tipong hindi marunong mag sungit, kaya nagulat siya tapos nalaman niyang nag away pala si manilyn at si kim, at hindi lang simpleng away kundi malaking away.."

Napatayo naman ako bigla, actually kaming tatlo ay napatayo bigla..

"Bakit? anong nangyari??" taranta namang tanong ni James..

Nagkibit naman nang balikat si Tristan..

"Kasi daw may relasyon si Connor at manilyn.."

"WHAT????" hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapasigaw..

"Niloloko mo ba kami? paano naman mangyayari yun? si riley ang karelasyon ni manilyn alam natin lahat yun.." sabi ni Connor..

"Pero yun ang sabi ni kim kay lea at halos mabaliw na nga din si lea kung ano ang gagawin niya sa kaibigan niya, sinamahan ko siyang puntahan si manilyn sa dorm pero wala siya.."

bigla na lamang akong napatakbo palabas, narinig kong sumigaw si James sa akin na sasama siya pero hindi ko na siya nilingon pa at tumakbo,

Tumatakbo na ako papunta nang dorm nang matigilan ako dahil sa hagulhol na naririnig ko sa may bleachers,

kung hindi ako kinakabahan ay baka natakot na ako ngayon dahil sa nakikita ko, may isang babaeng nakayuko habang humahagolhol nang malakas,

at kahit madilim sa kinaroroonan niya ay nakilala ko pa rin siya agad..

"Alam mo bang nagmumukha ka nang white lady diyan??" napa angat siya nang mukha niya at napatayo, magang-maga na ang mata niya sa kakaiyak..

"Bakit ka umiiyak na parang may namatay na tao??" 

"Brad..." tanging banggit niya sa pangalan ko at bigla na lamang akong yinakap nang mahigpit, niyakap ko din siya..

"Can I cry in your shoulder??"

"Hindi, ubos na ang luha mo sa kakaiyak, but I'm here lyn, I'm willing to lesten but please don't cry because I don't want to see you cry.."

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon