CHAPTER 56

129 5 0
                                        

*Friendship End*

Manilyn POV

"I'm home.." masigla kong sabi pagpasok ko sa dorm pero napatigil ako,

Asan si kim?

Umupo na lang ako kasi baka kasama niya pa sa ngayon si Connor,pero bigla din naman bumukas ang pintuan at napakunot ako nang noo ko dahil parang hindi si kim ang nakikita ko..

"Are you okay gang??" tumingin siya sa akin, yung tingin na parang may gusto siyang sabihin pero pinigilan niya lamang ang sarili niya..

"Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan? sapakan gusto mo??" pagbibiro ko sa kanya pero hindi man lang siya natawa kaya nagtaka talaga ako..

"Nag-away ba kayo ni Mcdo mo? bakit ang tahimik mo??" wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya kaya nilapitan ko siya agad at binatukan pero nagulat ako sa ginawa niya, bigla niya akong itinulak..

"ANO BA!!!!"

Napatanga talaga ako dahil sa ginawa niya..

Ang usual na kim kapag binabatukan ko ay gumaganti nang batok kaya bakit sigaw ang natamo ko mula sa kanya?

Napatitig lamang ako tapos tiningnan niya ako nang masama at may tumulong luha sa mga mata niya na pakiramdam ko may hindi magandang nangyari, si kim yung tipo nang taong kahit anong gawin mo sa kanya at kahit na nasasaktan na siya ay ngingiti pa rin yan sa akin at ito yung unang beses na nakikita ko sa mukha niya ang galit at hinanakit, para saan ang tingin na yan? Wala akong maisip na dahilan para umakto siya nang ganyan sa akin..at kahit mag away pa sila ni Connor ay hindi siya aakto nang ganyan sa akin, pakiramdam ko sa akin siya galit at para bang gusto niya na akong saktan dahil sa reaksiyon niya..

"Anong nangyayari sayo??"

tumawa siya nang sarkastiko na ipinagtataka ko, pakiramdam ko nadurog ang puso ko nang tingnan niya ako na para bang sinasabi niyang ayaw na kitang maging kaibigan..

"Your asking why i am like this? ahh oo nga pala akala mo kasi walang makaka alam sa sekreto niyo!!"

"Ano bang sinasabi mo? wala akong maintindihan gang.."

"Wag mo akong tawaging gang dahil nandidiri ako sayo! wala akong kaibigan kayang manloko!!" yung tingin na ipinupukol niya sa akin ay hindi niyo gugustuhing makita sa kanya..

"Gang naman ei ano ba ang nangyari??"

Nagulat ako nang bigla na lang may itinapon siya sa mukha ko na mga litrato at nahulog yun sa sahig..

"Ano to??" sabi ko sa kanya at pupulutin na yung tinapon niya..

"See it for your self, and then tell me what is it.." para bang sinasabi niya na nahuli na ako sa masamang ginagawa ko, halos manlaki ang mata ko na makita ko ang picture, picture na magkasama kami ni Connor Mcdonough, kelan to nangyari? tsaka ko na realize na nakuha ito nung isang araw ata yung time na bigla lumapit sa akin si Connor at sinabi niya yung about sa parents niya, naaalala niyo yun? but what is this? bakit may litrato kami nito?

"Sinong kumuha nang picture na to? teka bakit may ganito ka??"

"Ngayon ededeny mo ba na hindi kayo yan??"

"Sandali lang kim, hindi ko eidedeny na kami to dahil yung totoo nangyari talaga to pero mali ang kung ano mang iniisip mo, for God sake wala tong ibang ibig sabihin."

"Sabi ko nga.." tapos bigla niya na lamang ako tinalikuran at kinuha ang bag niya..

"Saan ka pupunta??"

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon