Kim POV
"Bakit kasi kailangan dito pa tayo kumain? hindi tuloy ako makakain nang maayos.."
Ngumiti lang siya sa akin, ang weird niya promise..
Natatakot tuloy ako.. *_*
May lumapit na waiter tapos may binigay sa akin na parang isang notebook..
Ginaya ko si Connor nang buksan niya yung bigay nang waiter..
inangat ko pa ang ulo ko kasi nakatayo pa rin yung waiter sa may tabi ko..
Hinihintay niya ba ang order ko?
kaya naghanap na ako nang pwedeng kainin..
Hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap sa mahal nang mga pagkain..
Napatingin tuloy sa akin si connor..
"Bakit??"
"Wala.. mag order ka na rin.." pumeke ako nang ngiti sa kanya..
Grabi ang mamahal nang mga pagkain,
sumusubra na sila sa presyo nila..
Yung medyo mura lang rito ay yung tubig..
20 pesos, kung totoosin nga ang mahal ei, anong meron sa tubig nila?
May gold ba? ei pwede namang humingi lamang nang tubig ahh..
"Tubig tsaka spaghetti.." sabi ko , tiningnan naman ako ni connor..
"Yan lang ang kakainin mo sa lunch??"
"Diet ako ei.." kunwari diet ako pero kasi nasasayangan ako sa pera ei,
Nakakalaki nang mata ang mga pagkain rito, para namang hindi yan matutunaw sa tiyan dahil sa subrang mahal..
May sinabi siya sa waiter na kung ano-ano kaya hindi ko maintindihan..
Tapos nagulat na lang ako nang maraming pagkain ang nilapag nang waiter.
"Ang sabi ko tubig at spaghetti lang akin.."
"I order it, just eat.." sabi naman ni connor kaya natahimik na lang ako at sumubo na lamang..
"Bakit nga pala niyaya mo akong mag lunch??" tanong ko sa kanya habang hindi ko pa natatapos nguyain yung kinakain ko kaya puno pa yung bibig ko..
Tumawa lamang siya,
"Hindi mo talaga pwedeng lunukin muna ang kinakain mo bago magsalita??"
Nilunok ko na yung kinakain ko at uminom nang tubig..
"Oh, bakit nga niyaya mo akong mag lunch?"
"Wala akong makasama ei.."
"Ganun? pwde namang sa canteen na lang ei.."
"Wag ka na nga magsalita, just eat okay??" tumango na lang ako sa kanya at sumubo na lang nang sumobo..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..