[A'N: nawindang ang utak ko, mental block??? waaaaa, what should i do? bakit pakiramdam ko nawalan na ako nang isusulat sa story na to? Medyo matagal-tagal na rin kasi siya kaya napipiga na ang utak ko, pero kahit anong gawin ko ay gusto ko pa rin siyang bigyan nang book 2, oh yeah may book 2 yung The Battle of Love. :-) ang hirap nang masyadong na aatach sa isang character :-) alam niyo na love ni author si riley ^_^ pssssttt.. ]
------------------------------
Manilyn POV
"Gang!!!!!!!!!!!!" isang matinis na boses ang agad kong narinig pagkabukas ko pa lamang nang pintuan nang kwarto namin,
at bigla niya na lamang ako niyakap nang mahigpit kaya halos mapaiyak din ako, namiss ko nang subra si gang,
ang tawa at katangahan niya ay subra kong namiss..
"Miss na miss kita gang.." sabi niya sa akin habang malakas pa rin ang pagkakakapit niya sa akin..
Tapos nagulat na lamang ako nang bitawan niya ako at bigla na lamang batukan..
Di ko tuloy maiwasan ang hindi mapa aray..
"bakit ba??" nakasimangot ko nang sabi sa kanya..
"Alam mo ba na halos matanggal ang puso ko dahil sa pag alis mo? kulang pa yang sapak na ginawa ko."
"Ikaw naman ang dahilan kaya ako umalis.." natahimik naman siya at bigla naging malungkot ang boses niya..
"I'm sorry.."
sinundot ko naman agad siya sa tagiliran niya..
"Ayos lang yun, atleast dahil sa ginawa mo ay may nakilala akong isang abnormal na lalaki.." nakangiti ko namang sabi nang maalala ko si mike..
Naalala ko tuloy ang huling sinabi niya sa akin bago kami umalis ni ryle..
'Tuparin mo ang sinabi mo sa akin na tutulungan mo ako kay lea dahil kung hindi ay hahanapin talaga kita at mumultuhin..' yun ang huling sinabi sa akin nang isang sira ulo na mike..
Hinawakan naman agad ni gang ang mukha ko..
"Huwag mong sabihing may mahal ka nang iba??" nanlalaki pa ang mata niya yan,.
"Paano naman mangyayari yun ei si ryle ang mahal ko.."
"Ei sino yang tinutukoy mo? habang nagsasalita ka kasi ay parang bigla ka naging masigla, sino siya??"
"Huwag ka ngang OA, isa lamang siyang kaibigan na nakasama ko sa cebu at isa pa si lea ang mahal nun.."
"May boyfriend na si lea??" nagtataka niya namang tanong at napakamot pa sa noo niya, siguro napaisip siya kung bakit hindi niya alam ang bagay na yun kay lea..
"Masyadong complicated ang love story nila gang kaya wag ka na magtanong pa.."
"EHHHh, gusto ko malaman.." tapos bigla na lamang siya nagpapadyak kaya kwenento ko na sa kanya
at pagkatapos kung sabihin yun ay pareho kami nang reaksiyon..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..