CHAPTER 35

251 10 0
                                    

Manilyn POV

"Hindi.." seryoso niyang sabi kaya natigilan ako at hindi ko mapigilan ang hindi masaktan sa sagot niya,

Bakit ba ako ganito?

Nag tanong naman ako kaya dapat lang na matuwa ako sa kung ano mang sagot niya atleast sinagot niya ako..

Tumawa ako nang mahina para maitago yung sakit na nararamdaman ko,

"Tama.. bakit ba kasi iniisip ko pang ikumpara ang pag aalala mo sa amin ni Chreslyn, siguro nga nababaliw na talaga ako.."

"Lyn---"

"Okay lang, . pasensiya na kung ano-anu kasi ang tinatanung ko ei, dapat alam ko na mas nag alala ka talaga kay chreslyn..grabi talaga ko mag isip ano?"

Hindi niya ako sinagot at hindi na nagsalita pa..

"Nung kanina, halos mabaliw ako sa pag alala na halos lumipad na ako papunta sa dagat, ."

Hindi lamang ako nag salita at tumingin lamang sa kanya,

"At nung nalaman ko na kanina kapa nawawala halos sumabog ang puso ko, natakot ako, subrang natakot ako at baka kung napano ka na.."

Tumingin siya sa akin kaya hindi na ako natinag na halos marinig ko na ang lakas nang tibok nang puso ko..

"Lyn-----"

"Gang!!!" napatayo ako nang marinig ko yung sigaw ni kim pero muntik na sana akong matumba nang mawalan ako nang balanse at kumirot pa yung binti ko,

buti na lang nahawakan ako ni Ryle sa may balikat ko..

"Mag ingat ka naman.." hindi ko siya pinansin at sumigaw na lamang..

"Kim! andito ako, andito kami..!!" ilang segundo lamang at nag sidatingan na sila at bumaba si brad..

Nagulat pa ako nang bigla niya ako yakapin nang makababa siya..

"Pinag alala mo ako.." napangiti na lang ako nang palihim dahil sa sinabi ni brad..

Mukhang nag alala nga talaga siya dahil ramdam na ramdam ko yung lakas nang tibok niya,

nakaramdam ako nang kiliti sa puso ko nang maisip ko na nag aalala ang isang Brad sa akin, nakakatuwa namang isipin yun..

---------------

"Aray ko!! ang sakit!!" napasigaw pa ako at pinalo si Kim na hinihilot ang paa ko pero mas diniinan niya lang yung pag hihilot niya..

"Dapat nga ako na ang pipilay sayo ei, kung saan-saan ka pumupunta ei kakainis ka!!"

"Ako na nga diyan.." napalingon ako kay Ryle at hinawakan niya ang balikat ni Kim at siya na ang humilot, hindi na lang ako nakapagsalita

at napatingin na lang kay Chreslyn na nakatayo lamang at nanunuod,

hindi ko siya nakita kanina, hindi ata siya sumama sa pag hanap sa akin dahil pagpasok ko rito sa room ay nakahiga lamang siya,

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon