Riley POV AGAIN
3 pm nasa may tabing dagat na kami lahat para daw hindi masyadong mainit kapag nag simula na sa music video,
akala ko yung eksena namin ni Chreslyn yung unang gagawin but mas inuna muna ni manager yung sa pagkanta nila dahil
mas mahirap daw yun kunan at para tumiming sa video na gagawin,
sila na daw ang bahalang mag edit sa maaring kalalabasan kaya ito ako nakaupo lamang sa may buhanginan,
nakatingin lamang kina brad at kim na kumakanta,
katabi ko si chreslyn,
actually masasabi ko talaga na magaling kumanta si kim at infairness hindi siya nag mumukhang tanga kapag nasa harap siya nang camera,
"Hindi ko akalain na magaling pala talaga siya kumanta.." napalingon ako kay chreslyn..
Hindi ako nag salita at patuloy na lamang na nanuod sa ginagawa nina brad,
napabaling ang tingin ko kay Lyn na nasa may dagat at naglalaro nang munting alon habang nakatingin siya kay kim at nakangiti,
hindi ko na alis ang tingin ko sa kanya sa hindi ko malamang dahilan,
bakit ba pakiramdam ko gusto ko siyang lapitan?
"Ri-ri.."
"hmmmm???" sagot ko kay chres na hindi tumitingin sa kanya, narinig ko ang mahina niyang pag buntonghininga
na para bang mabigat ang pakiramdam niya kaya lumingon ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya,
kimi siyang ngumiti sa akin,
Nagulat ako nang bigla niya hawakan ang mukha ko gamit ang mga kamay niya at dahil nakalagay kanina ang mga kamay niya sa may buhanginan ay napahawak ako sa mga mata ko at ginusot yun..
"Naku sorry .." nataranta niya namang sabi,
ngumisi ako sa kanya at kiniliti siya,
ang sakit sa mata dahil sa ginawa niya..
"Tama na Ri-ri, sorry na.." tumatawa niya namang sabi. *-*
Napatigil kami sa pag kikilitian at sabay kaming napasinghap ni Chres nang may nag buhos sa amin,
napa angat ako nang ulo ko at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni kim..
Lumapit naman sa amin si manager..
"Bukas na lang natin simulan yung sa inyo ni chres pero dahil hindi niyo alam na kinukuhaan namin kayo nang video habang nagkikilitian kaya hindi na marami ang gagawin niyong eksena.."
"Mag enjoy na lang muna kayo at gusto rin namin maligo nang dagat.." sabi naman ni manager luke at excited na tumalon sa may dagat..
"Ang sweeeeeeeetttttttttt..." sarkastikong sabi ni kim.,
"anong problema mo??"
"Wala huh, subra kasi kayong sweet kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi matuwa kaya napabuhos tuloy ako nang tubig sa inyo, gusto niyo ulit mabuhusan??" nakaingos niyang sabi
at naglakad na papunta sa dagat, sa kinaruruonan ni lyn..
Napatingin din ako kay Lyn at iniwas niya lang ang tingin niya..
"Gusto mo ba siya Ri-ri??" nabigla ako sa tanong ni chres kaya napatingin ako sa kanya na kunot ang noo ko..
"What are you saying??"
"Bakit kung tingnan mo siya , parang gusto mo siya??"
"Chres please,. kung ano-ano na naman ang pinagsasabi mo.."
Tumayo siya ..
hinawakan ko yung kamay niya..
"Where are you going??"
"Nasa tabi mo kasi ako pero sa direksyion ka nila nakatingin kaya siguro naman kapag andun na ako titingnan mo rin ako.."
"Chres------" binitawan niya ang kamay ko at naglakad na papunta dun..
Napahinga na lang ako nang malalim,
"Hindi ka ba nagsasawa??"
Napatingin ako kay connor nang magsalita siya at umupo sa tabi ko,.
"What??"
Kumuha siya nang maraming buhangin at nilagay yun sa kamay niya at pinaglaruan..
"Hindi ko alam kung dapat na ba akong makialam pero alam ko na matanda ka na at may isip ka na.."
"Ano bang pinagsasabi mo??"
Umiling siya sa akin at kumuha ulit nang buhangin at binati-bato yun,
"Tumigil ka na Riley.."
"Connor!!" naiinis ko namang sabi sa kanya,
"Hindi na magandang tingnan ang ginagawa mo, hindi mo lang napapansin dalawang tao na ang nasasaktan mo.."
kumunot lang ang noo ko sa sinasabi niya,
"stop it hanggat maaga pa Riley.." tinapik niya ang balikat ko at tumayo..
"Sana maisip mo na kung sino sa kanila bago pa mas lalong gumusot ang sinimulan mo.."
Napasunod na lang ang tingin ko sa kanya,
ano ba talaga ang gusto nilang sabihin sa akin?
ano ba ang ginagawa ko?
may hindi ba tama sa ginagawa ko? sabihin niyo nga sa akin kung ano..
Napatayo ako nang makita ko sina Chreslyn at lyn na lumalangoy..
anong ginagawa nila?
----------------------
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..