CHAPTER 40
Manilyn POV
After naming matapos yung music video ay naglakad-lakad muna ako,
hindi ko kasama si Kim , hindi ko na naman kasi siya nahagilap..
ngayon kasi yung last day namin dito sa cebu kaya gusto kong maglakad-lakad sandali..
Napatigil ako at napatingin sa isang bahay, hindi siya matatawag na palasyo pero maniwala kayo napakagandang bahay naman. :-)
Nakakatuwa tingnan yung bahay, lumingon ako sa may resthouse at hindi pa naman ako masyadong malayo, kanino naman kaya ang bahay na ito?
"May kailangan ka??" nagulat ako sa biglang may nagsalita sa likoran ko kaya napahawak pa ako sa may puso ko..
"Pasensiya na nagulat ata kita.." nakangiti niya namang sabi nang lingonin ko siya.
May bitbit siyang cap na pandagat at basa yung medyo wavy niyang buhok.
actually ang hot niya tingnan sa suot niya.
ano kaya siya rito?
Yumuko ako sa kanya tanda nang pag galang at ngumiti..
"Wala naman, nagandahan lang kasi ako sa bahay na yan.." nginuso ko naman yung bahay..
"Ow I see, Im sorry I can't invite a stranger in that house.."
Ah? tumango naman ako, siguro kanya yung bahay..
"Hmm, sige salamat.." tumalikod na ako pero napatigil ako nang mag salita siya..
"Sandali lang.." hinawakan niya pa ako sa braso ko kaya napatingin naman ako sa kanya..
"Anong ginagawa mo nga pala rito??"
"Ah, gumagawa kami nang music video, dun kami nag stay for one week.." tinuro ko naman yung resthouse at napatingin naman siya dun..
"Music video?"
Napatingin siya sa suot kong damit tapos bigla nag liwanag yung mukha niya kaya napatingin naman ako sa damit ko baka mamaya ano na pala ang
tinitingnan niya, pero nakasuot naman ako nang tshirt yung Type B namin, may naka print pa nga na Musiance University..
"So? sa Musiance ka pala nag aaral??" tumango lamang ako sa kanya..
"Ow i see..sige.." tapos nagmadali na siyang pumasok sa magandang bahay, ano naman ang nangyari dun?
para naman siyang nakakita nang multo nang malaman niyang sa Musiance ako nag aaral..
May problema ba?
"Naglalakad ka atang mag isa? asan si Kim?"
"Oh Brad!" nakangiti ko namang bati kay Brad na papalapit na sa akin, nakangiti naman siya habang nakalagay sa pocket niya yung kamay niya.
gesture niya na ata ang ilagay ang kamay niya sa bulsa niya kaya tuloy nagiging pogi siya tingnan..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..