CHAPTER 66

170 6 0
                                    

Kim POV

"Mukha ka nang zombie dahil sa itsura mo.." hindi ko inangat ang ulo ko kahit na alam ko na si Mcdo yung nagsasalita,

tinuloy ko lamang ang pagkain ko pero hindi ko alam kung matatawag pa bang pagkain itong ginagawa ko 

hindi ko kasi magawang isubo ang nakahain sa may mesa dahil pakiramdam ko ang bigat nang pakiramdam ko.

Nabigla ako nang hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ang mukha ko kaya napatingin na lamang ako sa kanya..

"Baka pagalitan ka ni manilyn dahil sa ginagawa mo sa sarili mo.."

"Baka maging masaya pa siya dahil nagsisisi na ako."

"Sa tingin mo ba ganun ang mararamdaman niya??"

"Sasapakin ko talaga siya kapag bumalik na siya, nakakainis naman kasi ei bakit bigla na lamang siya umalis??"

umupo naman siya sa harapan ko..

"Nasasaktan siya kim kaya nagawa niyang lumayo kahit sandali lang.."

"Yun nga ang kinaiinisan ko ei umalis siya dahil sa akin, ang tanga ko talaga paano ko nagawang iwan siya at hindi paniwalaan??"

Ngumiti naman siya nang malungkot,

"Sorry rin Mcdo ha??"

"Kahit hindi ka pa humingi nang tawad sa akin ay pinatawad ka na nang puso ko dahil importante ka sa buhay ko.."

natigilan ako sa sinabi niya at basta na lamang lumakas ang tibok nang puso ko..

"Mcdo..."

hinawakan niya naman ang pisngi ko at kinurot ako tapos bigla niya inagaw sa akin ang kutsara na gamit ko at basta na lamang ako sinubuan..

Iniwas ko naman ang bibig ko sa kanya..

"hindi mo na ako kailangan subuan, kaya ko na.."

"Ahhhh??" sabi naman niya na ngumanga pa kaya napanganga na lamang ako at sabay kaming nagtawanan..

Tapos sabay na umangat ang ulo namin nang makarinig kami nang tikhim..

Napatayo pa ako..

"Lea, bakit ngayon ka lang pumasok? may sakit ka ba??" ngumiti siya sa akin bago umiling..

"I'm fine.." napatingin naman siya kay Mcdo at mas lalong lumapad ang ngiti niya..

"hi connor.." nakangiting bati niya at nginitian din naman siya ni Mcdo..

"Bakit ngayon ka lang pumasok ha? may nangyari ba??"

Hindi niya pinansin ang tanong ko at nakatingin pa din siya kay Mcdo..

"Okay na kayo??"

"Ha??" sabi naman ni Mcdo at napalingon pa siya sa akin.

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon