CHAPTER 36

217 8 0
                                    

Chreslyn POV

Napahawak ako sa bibig ko dahil pinipigilan kong lumabas ang iyak ko at baka marinig nila ako at malaman nilang nakikinig ako..

nakatago ako sa may pintuan at napahawak na lang sa puso ko, at hindi ko na napigilan ang umiyak pero hawak-hawak ko pa rin ang

 bibig ko para walang iyak na maririnig..

Pakiramdam ko pinipino ang lahat nang katawan ko dahil sa narinig ko,

dapat hindi na ako sumunod sa kanila dahil alam ko na pwedeng mangyari to, 

pwdeng mangyari ang nakikita ko ngayon..

Nang marinig ko ang I love you ni Riley halos gusto kong sumigaw sa sakit na nararamdaman ko

dahil ang I love you na yun ay hindi na para sa akin kundi para sa ibang babae..

Pakiramdam ko kinakawawa nila akong dalawa at niloloko ako..

How dare you manilyn!! I hate you!! I hate you so much!!

"Kung iiyak ka lang pala sana hindi mo na lang sila tiningnan pa.." napalingon ako at napatigil sa pag iyak ko nang makita ko si Daniel..

Pagalit akong tumingin sa kanya at umalis sa balcony..

"Wag mo nga ako sundan!!" sigaw ko sa kanya nang makita kong sumusunod pa rin siya..

"Hindi kita sinusundan, wag makapal ang mukha mo pupunta ako nang kusina.." seryoso niya namang sabi sa akin..

"Daniel!!!!" sigaw ko dahil hindi ko mapigilan ang hindi mainis, nakita niya naman kung ano ang nakita ko kanina kaya bakit ganyan niya

pa rin ako tratohin?

hindi ba at dapat ang ginagawa niya ay pupunusan ang mga luha ko tulad nang ginagawa niya dati kapag umiiyak ako dahil kay Ri-ri?

Sinabi niya sa akin dati na ayaw na ayaw niyang nakikita akong umiiyak kaya bakit ganyan siya?

dapat inaalayan niya na ako ngayon..

"Bakit ka naman sumisigaw..??" tumingin lamang ako sa kanya na para bang inis na inis na talaga ako sa kinikilos niya...

Narinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kanya na para bang nawalan ako nang isang laruan..

"Are you expecting me to hug you and comfort you that it's okay because Riley love you? really? iniisip mo pa rin ba na pupunasan ko  yang luha mo??"

"Daniel------"

"Cmon Chres. hindi na ako plastik pa para sabihin sayo na ikaw ang mahal ni riley dahil alam ko na alam mo na rin na si manilyn na ang mahal niya

kaya anong sense pa para kausapin ka nang ganun.."

Hindi ako nakapagsalita dahil alam ko na tama siya but no.. I can't!

I will never let ri-ri go..

"And one more thing , wag ka nang mag expect pa na lalapit ako sayo kapag umiiyak ka dahil nasusuka ako sa pag iinarte mo.."

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon