CHAPTER 55

162 5 0
                                        

*Painful*

Manilyn POV

Napainat ako, hay ang sarap yata nang tulog ko. :-)

Himala at hindi sumakit ang likod ko at para bang nasa langit ako sa subrang ganda nang panaginip ko..

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at napapikit ulit,

dahil sa white na nakapalibot sa akin, i mean nasa isang kwarto ako na white ang pintora ei sa dorm color yellow naman ..

Ibig sabihin hindi pala paniginip yung katabi ko si ryle?

Naimulat ko ulit ang mata ko at napabangon, ang tanga ko talaga, magkasama nga pala kami kagabi..

napatingin naman ako sa damit ko pero wala namang nagbago sa akin at isa pa wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko kaya siguro naman

ay walang masamang nangyari?

Napatingin ako sa tabi ko pero wala naman si ryle kaya napatingin ako sa orasan na nakalagay sa may left nang kama niya..

6 am palang naman ahh, saan naman kaya yun pumunta?

ang aga pa para gumising, oo nga pala sabado ngayon kaya pwede siyang gumising kahit ala una na kaya asan na yun?

nag suklay muna ako at hindi na nagabala pang mag hilamos at lumabas..

"Ryle?" wala namang sumagot at wala rin siya sa kusina, .

Tapos napatingin ako sa sofa nang may nakita akong binti ..

Napalapit tuloy ako agad sa kanya at mahinang tinapik ang pisngi niya..

"Ryle gising.."

"uhhhhhh.." pero umungol lamang siya at pinalo pa ang kamay ko, ang himbing nang tulog niya..

At namamalo pa nang kamay, ganito ba siya kapag ginigising?

pero kahit maaga pa ay oras na para gumising siya..

"Ryle, gumising ka na.." pero hindi niya pa rin ako pinansin kaya kiniliti ko na siya kaya namumungay pa ang mata niya na napabangon agad..

"Anong nangyari??" kinukusot niya pa yung mata niya..

"Kailangan mo lang pala kilitiin para gumising ka ei.."

"Anong oras na ba??" tanong niya naman, ang sarap naman pakinggan nang boses niya kapag bagong gising..

Ang husky. :-)

"6 am.."

"6 am pa lang pala kaya bakit mo ba ako ginising agad.." tapos bigla na lamang siya humiga ulit at pumikit na para bang wala siyang pakialam kahit na mahulog pa siya..

Hinawakan ko naman siya sa braso..

"Dun ka na sa kwarto mo matulog baka mangalay ka diyan.."

"hmmm.." ungol niya naman..napaismid tuloy ako,

bahala nga siya kung kabagin siya dahil sa ginagawa niya ei.. aalis na sana ako nang matigilan ako kasi bigla niya na lamang nahawakan ang kamay ko..

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon