CHAPTER 30

228 7 0
                                    

Kim POV

Hinihintay ko sana si gang, hindi pa kasi ako makatulog kasi wala pa siya kaya lumabas ako sandali pero nabigla na lang ako nang may humawak sa kamay ko

at nakita ko ang nakangiting mukha ni Mcdo..

"Samahan mo ako.."

"Saan? gabi na Mcdo!!" sigaw ko sa kanya basta niya na lang kasi akong hinila papunta sa labas..

Tapos naglakad-lakad kami sa may buhanginan ,

napayakap ako sa may balikat ko nang maramdaman ko yung pag ihip nang hangin..

nakaramdam kasi ako nang lamig ei..

Hinanap nang mga mata ko si gang baka kasi andito lang din siya sa buhanginan at nakikipag laro sa dewende.

Dewende??? O____O nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko, may kaibigang dewende si gang?

at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko yung yakap ni Mcdo pero wag kayong assuming,

hindi niya naman talaga ako niyakap nilagay niya lang yung jacket niya..

huhu. *-*

"Kakaiba ka pala kapag gininaw lumalaki mata mo.." nakangiti niyang sabi sa akin..

"sinasabi mo bang malaki ang mata ko??' nakasimangot kong sabi..

"Hindi, i mean oo kapag giniginaw ka.." inismiran ko lamang siya at naglakad ulit..

Wala naman atang multo rito hindi ba?

Kasi parang lumalayo na kami sa may resthouse ei..

Sumusunod naman sa akin si Mcdo pero napatigil ako nang makakita ako nang isang malaking bahay tapos

may ilaw naman siya kaya sigurado akong may tao..

"May bahay pala rito bukod sa resthouse??" lingon ko kay Mcdo at hinintay na siya..

"yup, sakop pa rin kasi nang may ari yung resthouse.."

"Wow! sigurado akong mayaman yung may ari nang lugar na to kasi bukod sa may malaking bahay at resthouse na parang kasing laki na siya sa isla namin.."

"Mayaman naman talaga ang mga Fugado ei.."

"Fugado/??" napakamot pa ako sa ulo ko,

para kasing narinig ko na yung apelyidong yan,saan ko nga ba narinig?

para kasing may kaibigan na akong ganyan ei nakalimutan ko lang kung sino..

Nagulat na lang ako nang kunin ni Mcdo yung kamay ko na nagkakamot sa ulo ko at hinoldinghands yun,

pakiramdam ko nanigas ako kasi mas lalong lumamig..

Tumingin lamang ako sa kanya at nakita kong napatawa siya nang mahina..

"suot mo kasi ang jacket ko kaya nilalamig ako, so pahawak na lang nang kamay mo.."

walang ibang salitang lumabas sa bibig ko kundi napaoo na lamang ako..

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon