CHAPTER 64

156 5 0
                                    

Mike POV

Napalingon ako nang may narinig akong isang mahinang sitsit,

tinaas ko ang kilay ko nang lingunin niya, ngumiti naman siya sa akin nang tabingi..

"Anong ginagawa mo diyan? para kang sira diyan.." umismid naman siya sa akin at lumapit na..

"Sabi mo puntahan kita kapag gusto kitang makausap.."

"Ganun ka ba kainlababo sa akin at hindi mo talaga mapigilan ang sarili mo??" napabuga naman siya nang hangin na para

bang sinasabi niya na napakayabang ko, 

pinigilan ko ang sarili ko na tumawa dahil sa itsura niya..

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang saya sa tuwing nakikita ko ang inis sa mukha niya,

gumaganda siya kapag inaasar siya..

"Kung hindi ka lang talaga lalaki ay baka pinatulog na kita sa isang suntok lamang.."

"What is it??"

"Huh??" parang nagtataka niya namang sabi at umupo sa may harapan ko, close ba kami? feeling din ang babaeng ito..

"Hindi ba at may itatanong ka??"

Napahawak naman siya sa bibig niya na para bang nagulat siya,

Hindi kaya sira ulo talaga ang babaeng ito?

"Paano mo nalaman na may itatanong ako,huwag mong sabihing manghuhula ka sa past life mo??"

"Ano bang sinasabi mo, kung wala ka nang itatanong umalis ka na nga lang dito.." naiinis ko namang sabi,

Nagsisi tuloy ako at sinabihan ko siya na pwede niya akong makausap,

teka nga bakit nga ba parang gusto ko rin na makausap ang babaeng ito?

Bakit gusto ko na tanungin niya ako tungkol sa relasyon ko kay lea?

Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba siya,

but i had this feeling that she is a good friend of lea dahil kung hindi ay hindi siya magiging kaibigan ni lea..

"Ang pikon mo talaga agad para nagbibiro lamang ako, ano kasi-kasi ano--"

"May sira ba yang dila mo? puro ka na lang kasi, anong kasi??"

"Girlfriend mo ba si lea??" natahimik ako sa tanong niya at napatingin lamang sa kanya at laking gulat ko nang bigla na lamang siya tumawa nang malakas,

at napapapalakpak pa siya, may tililing talaga ata siya. *_*

"Para kang namatayan sa reaksiyon mo, para nag jojoke lamang ako, alam ko naman na hindi mo siya girlfriend kasi himala yun hindi ba? hindi ka kelan man papatulan ni lea

dahil hindi ang tipo mo ang gusto niya.. hahahaha.. nakakatawa naman kapag nainlove nga siya sayo.."

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon