Chreslyn POV
"Sabi nang hindi ko yan alam Daniel.." naiirita ko nang sabi sa kanya..
"Kung hindi, sino??" hindi ko rin mapigilan ang hindi mapaisip..
"Sabi ni kim ako ang may sabi sa kanya??" tumango naman siya sa akin..
"Pero hindi totoo yan, wala akong sinasabing ganyan at isa pa hindi ko kayang gawin yun dahil lamang sa kagustuhan ko, you know me kaya kong sampalin
at sabunutan si manilyn pero hindi ko kayang gumawa nang issue na ganito, isang malaking kalokohan ang sinasabi ni kim na ako ang nagsabi sa kanya,
ni hindi ko nga alam ang nangyayari, si manilyn asan siya??"
"Nasa dorm ata.."
"Baka kung ano ang isipin niya sa akin, hindi ko kayang sirain ang pagkakaibigan nila ni kim, kung gusto ko silang maghiwalay ni riley gagawin ko yun na hindi makakasakit nang iba.."
Napalakad ako nang mabilis, gusto ko kasing puntahan si manilyn para magpaliwanag hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko
kailangan kong magpaliwanag sa kanya..
Pero napatigil ako sa may labas nang makita ko si riley na nakatayo, para bang tinitimbang niya ang sarili niya kung papasok ba siya or hindi..
Na para bang ginawa niya talaga ang lahat para pigilan ang sarili niya kaya napailing ako,
hindi ko tuloy maiwasang itanong kung nung panahong kami pa bang dalawa ay nagagawa niya ring maging ganyan?
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang kilig para sa kanilang dalawa ni manilyn, kahit na magkagulo sila ngayon ay pakiramdam ko pa rin ay sweet pa rin sila..
"bakit hindi ka pumasok??" napalingon siya sa akin at para bang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya..
Iniwas niya naman ang tingin niya sa akin..
"You can't? hindi ka dating ganyan, kahit na ginawa kita dating tanga ay hindi ka umarte nang ganyan.."
"Chres.."
"Mas malala yung ginawa ko dati pero sa ngayon hindi mo man lang maibaba nang kunti ang pride mo para sa kanya.."
"hindi mo alam kung ano ang nangyari.."
"I know and I'm bit disappointed for you, hindi ko alam kung bakit naging ganyan ka.."
"Ano bang sinasabi mo.." tumigas ang titig niya sa akin..
"Sa tingin mo ba kayang gawin ni manilyn ang sinasabi nila? At sa tingin mo ba kayang gawin ni connor ang lahat nang to?"
"Ginawa na nila.."
tumawa naman ako sa kanya, yung tawang sinasabi ko na he's stupid..
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung sino daw ang nagkalat sa mga nangyari??"
Napatingin siya sa akin na para bang sinasabi niyang it's not a matter to me anymore..

BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomantizmA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..