Kim POV
Nakapamewang ako nang pumasok si gang sa loob nang dorm at kusang tumaas ang mga kilay ko nang para siyang nakalutang
sa kalangitan dahil sa ganda nang ngiti niya at para bang hindi niya ako nakikita kaya tama ako kasi bumangga siya sa katawan ko.
"aray naman.."
"Hindi ka po kasi tumitingin sa dinadaanan mo, anong meron ha??"
"Kasi gang..." parang natatae niya namang sabi sa akin,
napatingin ako sa hawak niyang cute yellow teddy bear na may hawak na 3 roses at sa isang kamay niya naman ay may hawak siyang boquet of flowers..
Asus, sigurado akong nagdate na naman sila ni riley :D kaya ganyan kalaki ang ngiti niya na para bang nanalo siya sa lotto
at magiging mayaman na siya, tsss.. napailing-iling pa ako, ang mga kabataan talaga ngayon puro pag ibig na lamang ang iniisip
at puro mahal kita na lamang ang lumalabas sa mga bibig, hindi man lang nila naiisip na mahal yung bigas ngayon..
hay naku naman at ang isang to mukhang tinamaan na talaga siya sa pusit na riley na iyon.
"Gang!!!!" sigaw niya kaya nabigla ako nang yakapin niya ako nang mahigpit,
hindi kaya nanalo talaga siya sa lotto kaya ganyan siya kasaya?
may balato kaya ako? siguro naman meron kasi bestfriend namin kami ei :-)
"Balato ko huh.." napatigil naman siya at tumingin sa akin na para bang sinasabi nang mga mata niya na nababaliw na naman ako..
"Ano na namang katangahan ang sinasabi mo sa akin?"
Binatukan ko siya, ang kapal talaga nang mukha ni gang na pagsabihan ako na tanga ei hindi naman totoo yun.
siya nga itong tanga ei.
"Hindi ba at nanalo ka nang lotto, napakasalbahi mo talaga para hindi mo man lang ako hatian.."
"Anong lotto pinagsasabi mo diyan?hay naku wag na nga lang.." nakaismid niya nang sabi at pumasok sa loob at nakangiting nilagay yung teddy bear at flowers sa deck niya.
"Ei ano nga kasing nangyari??" seryoso ko nang tanong sa kanya, ei kasi naman akala ko talaga kasi nanalo siya ei,
para nagkamali lamang tanga na agad?tsss
"Yung teddy bear bigay sa akin ni Ryle.."
"Alam ko, hindi ako tanga wala na namang iba ang magbibigay sayo niyan kundi si riley lamang.."
"Ikaw na lang kaya yung mag kwento para makatulog ako??" nakaismid niya namang sabi sa akin,
ngumiti naman ako sa kanya..
"Joke lang, sige na makikinig na ako.."
"Si ryle at ako ay-------" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil bigla akong sumingit sa pagsasalita niya..

BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..