CHAPTER 34

212 8 0
                                    

Kim POV

Napatanga na lamang ako habang tinitingnan ko sina Riley at Chreslyn, pinatayo ni Riley si Chreslyn at nilagyan nang towel ang likod at inalalayan papasok sa resthouse,

Lumingon pa si Riley na para bang may hinahanap siya.

hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang kung ano mang lungkot..

Pakiramdam ko may hindi tama sa kung ano mang nangyayari,.

Kanina para akong nanunuod nang isang korean drama, 

hindi ako nakaramdam nang inis or gusto ko silang buhusan nang tubig, basta habang tinitingnan ko sila parang pinipiga rin ang puso ko,

ganun na nga ang naramdaman ko, paano pa kaya si gang?

Hay, bakit kaya ganito ang pakiramdam ko?

"Why??"

Napa angat ako nang ulo ko at tumingin kay Connor Ball..

"Ha? anong why??"

"Why your so sad??"

Napahawak naman ako sa mukha ko..

at napabuntonghininga nang malalim,

"Ewan ko ba, nalulungkot ako nang makita ko kanina ang magandang eksena sa pagitan nina Riley at Chreslyn ei dapat nga makaramdam ako nang

kilig dahil para akong nanunuod nang isang drama sa tv.."

Nanlaki naman ang mata niya na tumingin sa akin, anong problema niya?

"Don't tell me you love Riley??"

Hindi ko napigilan ang hindi siya tapikin sa balikat niya..

Kung ano-ano naman kasi ang pinagsasabi, tinatanung niya ako kung may gusto ako kay Riley?

Nakakatawa naman siya, paano naman mangyayari yun?

Mapa oo pa ako kung ang tanong niya ay

Dont tell me you love me?

ehhhh??? napangiti pa ako nang matamis na para ba akong kinikilig sa naiisip ko..

"Mahal mo talaga siya??" nagugulat pa rin niyang sabi..

"Baliw! hindi ahh, ikaw pwde pa.." 

"Ano??"

"Ha??" nanlaki naman ang mata ko, may nasabi ba ako..

napahawak ako sa bibig ko at umiling..

"Wala akong sinabi.."

"Okay, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, kung hindi  mo gusto si riley bakit ka naman malulungkot??"

"Hindi ko nga alam kung bakit ganun ang pakiramdam ko.."

Napahawak ako sa puso ko nang lumakas bigla ang tibok nito..

"Bakit na naman??" tanong ni connor..

"Ang alin??"

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon