*Need a break*
Manilyn POV
"Kapag sinabi kong tapos na tayo ay wala na akong balak bawiin ang nasabi ko, your right maybe I don't really love you.." natigagal ako sa sinabi niya at halos wala na akong makita dahil bigla na lamang nanlabo ang paningin ko..
I dont really love you..
I dont really love you..
I dont really love you..
I dont really love you..
Napakurap ako dahil paulit-ulit na naririnig ko ang boses ni ryle..
Kahit nakalayo na siya sa akin ay pakiramdam ko nasa tabi ko pa rin siya dahil naririnig ko pa rin ang boses niya..
Napalingon ako sa Kinby's at nakita ko si James at Brad na patuloy pa rin sa pagkain nang ice cream at kahit paano ay napangiti ako
nang magsubuan sila nang ice cream, para silang mga lovers kung titingnan..
Pumara ako nang kotse at sumakay at kinuha ang phone ko at natigilan ako nang makita ko ang picture namin ni
ryle dahil yung picture namin yung wallpaper ko, siguro dapat ibalik ko na to sa kanya, afterall hindi naman sa akin ito..
'Brad, I'm going home, i'm sorry gusto ko na kasing matulog..'
Napahinga ako nang malalim, pakiramdam ko kahit andiyan sina brad ay wala pa rin akong ibang kakampi kundi ang sarili ko na lamang,
pakiramdam ko nagiisa na ako sa mundo..
Paano ko magagawang pumasok sa Musiance kung ganito pa rin ang sitwasyon?
Nabigla ako nang pagpasok ko nang dorm ay bigla na lamang akong yakapin ni lea,
paano siya nakapasok sa room? ang alam ko sinarado ko naman ito kanina..
"Saan ka ba galing ha? kanina pa kita hinahanap.."
Bumitiw ako sa yakap niya at tumingin sa kanya bago umupo sa isang stool at umupo naman siya sa harapan ko..
"Alam mo na ba ang nangyari??" tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko..
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, bakit ba nagkakaganito kayo ni kim?"
"Lea, naniniwala ka bang kaya kong gawin ang sinasabi nila sa akin??" ilang ulit siyang umiling..
"Ofcourse not, I know you.. hindi mo yan magagawa.." napangiti ako nang malungkot sa sinabi niya..
"Kilala din naman ako ni kim at ryle kaya bakit hindi nila ako magawang paniwalaan??" natigilan siya sa sinabi ko at walang masabi,
anong rason nga ba ang pwede niyang idahilan?
kahit ako ay walang maisip na rason..
Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit hindi nila ako pinapakinggan, mas kilala ako ni kim kesa kay lea..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..