[A'N: Yung mga typos po pag pasensiyahan niyo na kasi hindi ko na siya binabasa ulit kasi nga nauubos yung oras ko sa pag eedit nang
mga wrong words, sorry po..*_* at tamad ang inyong author, sana maintindihan niyo na lamang..]
--------------------------
KIM POV
'Can I talk to you now?'
-Mcdo
Napa angat ang sulok nang mga labi ko nang mabasa ko ang text message sa akin ni connor,
bakit naman kaya?
Lumingon ako kay Lyn pero parang tulog na ata siya kaya hindi na ako nag pa alam pa at kinuha na lang yung jacket ko
sa bag at lumabas..
Nakita ko si Connor na nakaupo sa may buhanginan tapos hindi pa siya nakasuot nang jacket,
makapal ba ang balat niya kaya hindi na siya nakakaramdam nang lamig?
tssss..
Pagkalapit ko ay umupo agad ako sa tabi niya tapos napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang mga noo ko nang marinig ko ang mahina niyang tawa
nababaliw ba siya? at tumatawa siya nang walang dahilan?
Tumingin pa siya sa relo niya..
"Wala pang limang minuto nung tenext kita pero andito ka na agad??"
mas lalong kumunot yung mga noo ko..
"Oh? ano naman ngayon? "
"Hindi mo ba alam na yung ibang girl ay mas gusto na malate sila sa date nila nang 15 minutes.."
Ano ba ang gusto niyang ipoint out?
"Hindi naman tayo nag dadate ha.." natigilan siya bago humalakhak ulit,
may tililing na ata siya sa ulo niya ei..
"Sabi ko nga, nakalimutan ko pala na hindi tayo nag dadate.."
"May nangyari ba na hindi ko alam at bakit ang saya mo ata ngayon??"
"nothing.." nangingiti niya pa ring sabi kaya tumahimik na ako tapos naalala ko na may sasabihin siya hindi ba?
"May sasabihin ka hindi ba??" napahawak naman siya sa dibdib niya na para bang nagulat talaga siya..
"Ginugulat mo naman ako ei.."
Huh? ginulat ko ba siya? wala naman ahh, sira talaga siya..tssss
Napatayo ako nang may nakita ako na isang bangka tapos gabi na ngayon kaya hindi ko makita kung sino yung nagsasagwan..
Hindi tumayo si Mcdo at tiningnan na lang din ang tinitingnan ko..
"I have something to tell you.."
"Mcdo, sino kaya yun? pwede kaya akong humiram sa kanya nang bangka? namiss ko na kasi ang sumagwan ei.."
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..