*Sira ulo*
Manilyn POV
Bumangon ako agad sa kama na kinahihigaan ko at bumaba sa kusina..
Naabutan kong nagluluto nang breakfast si manang fe..
Isang araw na ang lumipas simula nang dumating ako dito sa resthouse..
"Gusto mo ba nang gatas?" nakangiting tanong sa akin ni manang fe, hindi ko tuloy mapigilan na hindi maalala si nanay,
parehong-pareho kasi sila na Manang kung umasikaso..
"Ako na lamang po ang magtitimpla sa sarili ko.."
"Naku ikaw na bata ka huwag kang mapilit, ang bilin sa akin ni young lady, ang ibig kong sabihin ay si lea, ang sabi niya hindi kita hayaang gumawa nang kahit anong bagay rito,
ako ang malalagot kapag nagpumilit ka pa.."
Napailing tuloy ako, si lea talaga.. :-)
Tumayo ako at kinuha yung baso pagkatapos niyang mag timpla..
"Hindi ko naman po sasabihin kay lea na ako ang nagtimpla nang sarili kong gatas.." tumawa naman si manang fe..
"Pasaway kang bata ka, oo nga pala wala ka bang balak lumabas? maganda ang araw ngayon kaya masarap ang mamasyal kung wala lamang akong rayuma ay sasamahan na kita.."
"Okay na po ako, maglalakad na lang ako, babalik po ako pagkatapos nang pananghalian.."
After kong magbihis ay lumabas na ako nang resthouse..
Napalanghap ako nang hangin, ang ganda talaga sa lugar na ito dahil katulad sa probinsiya ay ang sarap nang hangin..
Binasa ko ang paa ko sa dagat at natutuwang paglaruan ang alon..
Para bang nakalimutan ko ang lahat nang nangyari sa manila..
Nakangiti akong tumingin sa dagat at inispread ang mga kamay ko na para bang nababaliw na ako,
"A goddess in the sea.." naibaba ko ang kamay ko at napalingon sa nagsalita at kumunot ang noo ko, familiar sa akin ang mukha niya hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita..
Ngumiti naman siya sa akin nang matamis pero umismid ako, kung makangiti naman siya ay para bang close kami..
Napatingin ako sa suot niya na para bang galing siya sa pag tratravel base na rin sa malaking bag na nakasakbit sa likod niya..
"Sungit.." sabi niya pero tinalikoran ko lamang siya at naglakad palayo, wala akong panahon para makinig sa lalaking yun. tss
Umupo ako sa may bato yung inupuan namin ni brad dati, hinahanap kaya ako ni brad ngayon?
Nabasa kaya ni kim ang ginawa kong note?
Nag alala man lang ba sa akin si ryle?
Pinukpok ko nang mahina ang ulo ko, pumunta ako rito para matahimik ako kaya dapat hindi ko na muna sila isipin pa..
Ilang oras akong nakatulala lamang at nakatingin sa dagat..
Nang makaramdam ako nang gutom at pagod sa paglalakad ay nagpasya na akong bumalik sa resthouse..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..