CHAPTER 61

154 5 0
                                    

*I'm a fool*

Riley POV

Napatakbo ako agad papasok sa dorm dahil sa sinabi ni Chreslyn,

I felt like I'm a jerk, I'm a fool of hurting lyn..

Para ngang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa ginawa ko,

paano ko siya nagawang hindi paniwalaan? Subrang tanga ko talaga para hindi maisip ang posibilidad na may sumisira lamang sa aming dalawa..

Sana inisip ko muna ang lahat bago ako nag desisyon nang walang ka kwenta-kwenta..

"Lyn.." tawag ko sa pangalan niya at napatigil ako nang walang tao akong naabutan..

Pumasok pa rin ako at kumatok sa banyo at baka nasa loob lamang siya pero wala siya,

asan kaya siya?

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya pero napalingon ako sa may deck niya nang tumunog yung phone dun..

Bakit iniwan niya yung phone niya?

"Gang!!" napalingon ako sa may pintuan at pumasok si kim, nagtataka pa ang mukha niya..

"Anong ginagawa mo rito? asan si gang??"

"Hinahanap ko rin siya, wala siya..alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta?"

"Tatawagan ko na lang.." ipinakita ko sa kanya ang cellphone ni manilyn kaya natigil siya sa akmang pagpindot sa phone niya..

at kumunot ang noo niya..

"Hindi siya ang tipong iiwan na lang basta ang phone na bigay mo, asan kaya yun? sandali pupuntahan ko si brad baka kasama niya.."

Pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa akin..

"Bakit na naman pusit??" tumawa ako sa kanya..

"Bumalik ka na nga sa normal mong isip dahil tinatawag mo na akong pusit.."

"May nakakatawa ba??" bakit ba? pupunta ako kay Brad ei.."

"Ako na lang, dito ka na lang baka dumating siya at wala pa siyang maabutan, ." at hindi ko na siya pinasalita pa at lumabas na nang dorm..

Pero hindi pa ako nakakarating nang boys dorm at nakita ko si Brad na nakaupo sa may bleachers..

"Hindi mo kasama si Lyn??" agad na tanong ko sa kanya, napa angat naman siya nang mukha niya..

"Bakit mo siya hinahanap??" balik tanong niya sa akin..

"Wala siya sa dorm at hindi ko siya matawagan dahil iniwan niya ang phone niya.."

"Natauhan ka na rin sa wakas??"

"I'm asking you kung alam mo kung asan siya bakit nagtatanong ka rin? hindi ba pwedeng sagutin mo muna ako..?"

"Hindi ko alam kung asan siya.." deretsung sabi niya..

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon