[A'N: Grabi ilang gabi kong pinaisipan ang heartbreak scene nang RiLyn, para kasing nasasaktan rin ako sa nangyayari, hmmmm :-) Nalulungkot ako para sa riley ko. :-) echos..dont worry ryle andito lamang ako para sayo :-) sasamahan kita hanggang wakas: )Last chapter na ba talaga? hmmmmmm... yeah sure. :-)]
#Heartbreak
#Rilyn
CHAPTER 75
---Finale----
*Heartbreak*
Manilyn POV
"Bakit biglaan kang pumunta rito??" nagtatakang tanong sa akin ni Ryle,
napatawa ako nang malakas nang mabistahan ko ang suot niya,
wow :-) hot *_*
Nakasuot lamang siya nang boxer at walang pantaas na damit, hindi niya siguro inakalang ako ang kumakatok sa pintuan niya kaya
hindi na siya nagabalang mag bihis pa..
Napatakip naman siya nang katawan niya na parang isang babae..
Napaismid naman ako..
"Bakit kailangan mo pang itago yan? wala naman akong nakikita..tsss"
"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito??"
"9 am na po, oras na para bumangon kayo master.."
Sinarado niya naman agad ang pintuan,
Kita niyo ang ginawa niya?
kinatok ko naman nang malakas ang pintuan niya at kinalampag pa yun..
"Ryle ano ba, naguusap pa tayo buksan mo to.."
"Wait!! bakit ba ang kulit mo ngayon? magbibihis lamang ako.." napangiti naman ako at napasandig sa may pintuan
at napahinga nang malalim,
nasa bahay nila ako at wala ang parents niya rito, hindi ko alam kung asan sila
at wala akong panahong alamin pa yun..
Napatingin ako sa phone na hawak ko at malungkot na ngumiti nang makita ko ang picture naming dalawa na siyang ginawa kong wallpaper..
One text message..
'I hope your doing your promise..' - Tita Ella
'May isang salita ako madam'
Send message..
Pinahid ko agad ang luha na naramdaman ko sa pisngi ko,
At nagulat na lamang ako nang muntik akong matumba at buti na lamang ay may mga bisig na sumalo sa akin,
napahawak pa ako sa puso ko sa subrang gulat at tinampal siya sa balikat..
"papatayin mo ba ako sa gulat? paano kung nabagok ang ulo ko? ni hindi mo man lang sinabi na bubuksan mo na ang pintuan.."
"Bakit ka ba kasi nakasandig sa pintuan, tsss..ngayon sabihin mo nga bakit ang aga mong pumunta rito??"
"ayaw mo bang pumupunta ako rito? ei di wag, makaalis na nga.."
Hinawakan niya naman ang braso ko para mapigil ako.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..