Manilyn POV
Napatanga na lamang ako dahil sa sinabi ni mike, talaga?
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya, paano naman kasi mangyayari yun? I mean kahit hindi sila totoong magpinsan
ay bawal pa rin yung nararamdaman nila, ang ibig kong sabihin walang mali sa nararamdaman nila pero kasi sana inisip
nila yung sitwasyon, nakakalito ba?
kahit ako nga nalilito, hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko kung hahawakan ko ba ang balikat niya at
sabihing walang mali sa ginawa niyo or sasabihin ko na mag move on ka na humanap nang iba,
Ang hirap naman kasi nang sitwasyon na sinusuong nilang dalawa, bakit kasi ganun?
Bakit kailangan maging cousin pa sila? i mean hindi nga sila totoong cousin diba?
hahahaha.. mababaliw din ata ako, nakakalito naman kasi kung sana lang kasi ibang tao na lamang..
Hindi lang talaga ako makapaniwalang sangkot si lea sa ganito ka komplikadong sitwasyon,.
"Na shock ka ba??" napatingin ako sa kanya at ngumiti, ewan ko lang kung ngiti nga ba ang kinalabasan,
"Hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinasabi mo.."
"it's true, nakakalungkot isipin pero nangyari na, pero wala akong pinagsisihan dahil para sa akin tama na minahal ko siya.."
Napailing na lang ako, kapag pag ibig nga naman talagang hahamakin ang lahat ..
"Hindi ko tuloy malaman kung sasang-ayon ba ako na tama ang nararamdaman niyo dahil kahit sino ang tatanungin mo ay sasabihing nababaliw na kayo,
hindi man kayo totoong mag pinsan ay nakasulat pa rin naman yun sa papel, apelyido mo ang apelyido din nang nanay niya.. sorry ha?"
Ngumiti naman siya sa akin, yung ngiting kahit pinilit niya man maging masaya ay makikita mo pa rin sa ngiti niya na nahihirapan na siya..
"No need to say sorry, kaya siguro naging kaibigan ka ni lea ay dahil totoo ka at hindi plastic para sabihing tama, isa kang tunay na kaibigan
kahit white lies na lang sana para naman mapanatag ang loob ko.." natatawa niya nang sabi..
"Hindi ako nag wawhite lies ei kasi kahit naman para hindi ka masaktan ang purpose nang white lies ay lie pa rin yan.."
"Kaya nga pinilit ko ang lahat para hindi na siya makita at hindi niya na rin ako makita pa, pero kahit saan ako pumunta pakiramdam ko isa pa rin akong anino
na hindi maiwan ang bakat ko sa kanya, kahit anong gawin ko at kahit magpakalayo pa ako ay parati ko pa rin siyang nasasaktan, kahit ginawa ko na ang lahat
para hindi na siya madamay sa gulo na ako din naman ang nagsimula ay parati pa rin siyang nasasangkot, sa tingin mo ba matatahimik pa kaming dalawa?"
Hindi ko siya nasagot dahil napaisip din ako,
base sa sinasabi niya parang family na nila ang kalaban nila sa sitwasyon nila
dahil kahit sinong magulang ay hindi gugustuhin ang ginawa nila..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..