*Missing her*
Riley 'Ryle' POV
"Wala ka pa bang balak ayosin yang sarili mo??" narinig kong sabi ni Connor, pero hindi na ako nag abalang tingnan siya dahil nakayuko lamang ako..
Dalawang araw ko nang hindi malaman ang gagawin ko..
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong mag tiwala na babalik pa si lyn..
Paano kung hindi na siya bumalik??
"May gig tayo nang 7pm Riley, kaya umayos ka na.." sabi niya na pinipindot ang piano niya..
Napahawak ako sa buhok ko..
"Bakit kasi biglaan tayong nagkaroon nang gig??" inangat ko na yung ulo ko, nakita ko naman yung pag ismid ni Toby pero hindi ko na siya pinansin..
"Hindi tayo pwedeng humindi alam mo yun.."
"Hindi ko alam kung kaya kung kumanta at kung kaya ko bang ngumiti sa harap nang tao sa ganitong sitwasyon.."
Umupo naman si connor sa tabi ko at tinapik ang balikat ko..
"Sabi ko na sayo, hayaan mo muna siya.."
"How can i do that? natatakot ako.." bumuntonghininga naman siya..
"Babalik din siya, baka gusto niya lang muna magpakalayo sandali.."
"Paano kung hindi na niya ako balikan? ano ang gagawin ko??"
"Hindi si manilyn ang tipo nang taong basta na lamang tatakbo at kilala mo siya isa siyang matapang na babae kaya sigurado akong babalik siya sayo, kung hindi bukas baka sa susunod na linggo.."
"I miss her, hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, sana lang alam ko kung asan siya dahil gusto ko na siyang makita.."
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko,
Missing her is like i'm dead, hindi ako makakilos dahil hindi siya mawala sa isipan ko..
"Bakit hindi mo tanungin yung kaibigan niya ni si lea,.." napatingin ako kay toby dahil sa sinabi niya..
"Hindi niya alam.."
"Madali lang namang sabihin na hindi niya alam kung asan si manilyn, wala na naman siyang ibang mapupuntahan kundi si lea, or kung talagang wala siyang alam ay
baka umuwe na siya sa probinsiya nila, sundan mo na lang sa probinsiya nila..tssss" reklamo na naman ni toby..
"Pero may point si toby, hindi kaya may alam talaga si lea kung asan si manilyn?"
"Bago niyo yan isipin, kanina pa tumatawag si manager.." sabi ni toby at basta na lang kinuha yung guitar niya at lumabas kaya tinapik ako ulit
ni connor..
Gusto ko nang matapos ang gabing ito, gusto ko nang makausap si lea..
Dahil baka mabaliw na ako sa kakaisip kapag hindi ko pa nakita si manilyn..
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE
RomanceA fan fiction of my favorite band Before You Exit . <3 This is a story about FRIENDSHIP, FAMILY and LOVE ..