CHAPTER 51

166 8 2
                                    

*friendship*

Manilyn POV

Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam nang antok habang nag didiscuss yung professor namin,

hindi naman siya boring sa pag tuturo, yun nga lang kami lang kasing dalawa ni kim sa isang masikip na classroom na ito,

simula na nang class namin bilang failed student..

Pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at kung pwede lamang ay hindi na ako huminga..

dahil sa kinauupuan namin ay maraming alikabok at tanging isang instrument lang ang andito at bawal kaming gumamit sa music room hanggat hindi pa kami nag sisimula sa second midterm,

buti na nga lang pinagbigyan kami nang chance at sa ngayon kailangan muna naming mag tiis..

"Excuse me.." sabay kaming napalingon sa nag salita at hindi ko mapigilan ang pag silay  nang ngiti sa aking labi nang makita ko ang nakangiting mukha ni Lea habang nakahawak sa glasses niya..

"Yes??" sabi naman ni Mr. Han, yung professor namin..

Tinaas naman ni lea yung kamay niya at pumasok habang nakayuko..

"Sorry, I'm late.." 

"You belong to this class?" - professor

"Yes sir.." narinig ko yung pag singhap ni kim dahil sa sinabi ni lea..

"Okay, set down.." nakangiti naman siyang umupo sa tabi ni kim..

"Lea.." sabi ni kim na para bang natatae na siya, she just mouted what? at tumingin sa professor na para bang sinasabi niyang bawal pa siyang kausapin dahil nakikinig siya sa discussion

kaya binalik na lamang ni kim ang tingin niya sa blackboard, maging ako ay hindi makapaniwala na andito si lea para samahan kaming dalawa ni kim,.

at ni hindi man lang siya nag dalawang isip na pumasok sa masikip at ma alikabok na classroom na ito,

ipinanganak siya bilang prinsesa kaya alam ko na hindi siya sanay umupo sa ganito at ni hindi sanay ang balat niya na madapuan nang kahit kunting dumi,

pero heto siya at nakangiti na para bang masaya siya..

"Titingnan niyo lang ba ako? baka mamaya ay matunaw na ako sa ginagawa niyo.." nakangiti niyang sabi sa amin,

nasa canteen kami sa ngayon dahil break namin..

"Bakit mo to ginawa??" seryoso namang tanong sa kanya ni gang, wow, ngayon ko lang ata nakitang ganito kaseryoso ang gang ko?

"Ano??" inosente namang sabi ni lea..

"Bakit ka sa Section F pumasok ei alam ko naman na hindi ka bumagsak sa exam ei.." sabi naman ni kim, nakikinig lamang ako sa usapan nila..

"I'm your friend, and i don't like my classmates sa Section B, I don't have friends.."

"Pero lea baka pagalitan ka nang parents mo dahil sa ginawa mo.." singit ko naman sa usapan,

at hindi ko alam kung bakit bigla na lamang naging malungkot ang mukha niya at tumawa siya nang pagak..

THE BATTLE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon