Chapter 2: Library

370 39 4
                                    


Jeff's Point Of View

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na sasaglit lang ako sa library para kumuha ng reference para sa assignment ko sa Science. While walking, I still wonder why does Kaori said that kind of words to Ms. Rodriguez. Hindi naman sya ganun para bastusin ang isang guro. Nagbago na sya, hindi naman sya ganyan dati. Siguro dala lang ng stress niya sa pagaaral. Basta once na may gumalaw sa kanya ako ang makakalaban nila. Makita lang nila. Ang bulong ko sa sarili ko.

Ang laki pala talaga ng school na 'to. Ang daming mga building. Sa tantsa ko mga nasa 1,000 students ang nag-aaral dito or mas marami pa. Bukod sa malaking cafeteria na pinagiistambayan namin. Ngayon ko lang nalaman na mayron din palang 2 pa. Katulad din nung isa, malalaki rin. Sa paglalakad ko, marami pa akong nadiskubreng mga bagong building na ngayon ko lang nakita. 5 ang gymnasiums nila dito. Halos 20 buildings or higit pa ang mayron dito. Except pa sa school dorms.

"Nabalitaan mo ba yung nangyari kay Ms. Rodriguez?"

"Yung tungkol dun sa isang estudyante na minura sya? Oo, nakakainis nga eh. Sya na nga yung late, sya pa yung ganon!"

Narinig ko iyan na pinaguusapan ng dalawang estudyanteng babae na nakaupo sa isang bench. Talaga palang kalat na yung nangyari kay Kaori. Hindi ko mapigilang lumapit sa kanila at ipagtanggol si Kaori. Kaya lang hindi ko rin kaya. Kasi nga baka magalit si Kaori sa akin kung makikipagaway ako dito. Sa mga babae pa.

"Hoy!" isang tinig na narinig ko galing sa likuran ko. Nanatili akong naglakad at hindi pinansin ang kung sino man ang tumatawag sa akin.

"Hoy!" ang paulit nitong sigaw sa akin na tila naiinis na dahil hindi ko sya hinaharap.

"Hoy! Ano ba! Wala ka ba talagang balak na harapin kami?" kami? What! Madami sila? Fudge! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi kasi ako kagaya ni Mark na matapang at buo ang loob. Ibang iba ako sa kanya.

Tumigil ako sa paglakad at tila naistatwa na sa kinatatayuan dahil sa narinig kong sinabi nya.

"Ano ba? Buti naman at tumigil ka na sa paglakad. Hoy!" ang nangangalit na tinig nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa kanina pa talaga niya or sila or what na tinatawag ako. Nakakainis na kasi. Ano bang problema nila sa akin?

Humarap ako sa kanila at nakita ko ang isang matikas, guwapo,mukhang habulin ng babae, maputi at na parang bad boy na lalaki sa harapan ko. Ang tangkad niya, ngunit parang ang hina niya tignan. " Ano bang problema nyo ha?" ang matapang kong saad na may kasamang ngisi sa aking mga labi na naging sanhi ng matagal nilang pagtitig sa akin. Animo'y mga istatwa sila dahil sa hindi sila makapagsalita.

"Isa ka sa mga kaibigan ni-" Hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya nang may tumawag sa kaniya. Isang boses na nanggagaling sa isang napakagandang anghel. Ngayon ko lang sya nakita dito sa campus. Siguro isa syang Transferee dito. Tumalikod ang lalaki sa pinanggagalingan ng boses na tumawag sa kaniya. Hindi na nila ako pinansin nang nakita nila ang babae. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin.

Tumalikod nalang ako sa kanila at dumiretso sa paglalakad papunta sa library. Tinignan ko ang relo ko, 10:35 a.m. Hindi pa naman ako late kaya okay lang na bagalan ko muna ang paglakad ko. Ang sarap libutin ng campus kasama ng mga kaibigan ko. Kung magkakaroon nga lang ng oras para doon. Wala kasing araw na wala kaming pasok. Ang higpit kasi dito, ni walang day-off. Hindi katulad nung pinanggalingan naming school. May Saturdays and Sundays pa. Eh dito, wala. Ni wala nga silang pakialam kung mapagod or even ma-stress sa pagpasok ang mga estudyante nila. Hayystt!

Marami akong nakasalubong na mga estudyante sa paglalakad ko. At parang may kakaiba sa kanila. Iniiwasan nila ako. Ano bang nagawa ko?. May mga nakita ako na mga estudyanteng tinuturo turo pa ako. Bakit ano bang mali sa akin? Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong katulad ko?. May iba naman na halos kainin na ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon