Kaori's Point of View
The principal gave us time to prepare for the Mortemian's Night at ngayon iyong araw na iyon. Kahit na mga hindi kasali para bukas ay wala ring mga pasok. Kaya nandito lang kami sa bahay ng mga barkada namin.
Linis dito, linis doon. Halos wala rin naman kasing sasali sa amin. Hindi pa rin naman umuuwi si July pati si Aisle ay hindi namin mahagilap. At mukhang tamang nood lang kami bukas doon sa gym. Wala man lang nag-participate sa amin.
"Anong mayroon dito?" ang sabi ko. Nasa kusina kasi ako at bumungad sa akin ang maraming nakatambak na mga gamit-- partikular na gamit sa pagluluto pati mga ingredients. Ano kayang mayroon?
Nadatnan ko rin si Laila na nag-aayos ng mga gamit dito. Mukhang may lulutuin din siya.
"Mamaya ko na sasabihin sa iyo kapag nakaalis na si Mejhiah." ang sabi ni Laila.
Weird.
Baka celebration party para sa pagkaka-rank 12 ni Jhiah sa Summa? Well baka nga.
Umalis na lamang ako doon kasi wala rin naman akong maitutulong kay Laila na busy-ng busy rin doon. Pagkalabas ko doon ay bumungad naman sa akin ang iba ko pang ka-dormmates na abalang abala rin sa kung ano.
Si Micah at si Serenity naman ay naglilinis at nagde-decorate na ngayon ko lang nakita na ginagawa nila. Habang si Hani naman ay nowhere to be found, baka nag-eensayo lang.
"Ano ba talagang mayroon?" ang sabi ko sa kanila. Hindi nila ako pinansin bagkus ay pinatahimik na lamang nila ako.
"Kaori, pakitignan mo nga kung gising na si Mejhiah? Please." ang pakiusap ni Serenity. Wala naman akong choice kasi wala rin akong magawa dito kaya sinilip ko na muna si Jhiah sa kwarto niya. Dahan-dahan akong kumatok dito, mabuti na lamang at gising na si Jhiah.
"Kaori! Halika!" ang masiglang pagbati nito sa akin. Pumasok naman ako sa loob ng kwarto niya. Wala akong choice eh. Tsk.
"Kaori, pwede ba akong makahingi ng favor sayo?" ang sabi niya.
"Oo naman. Sige, ano ba iyon?" ang sabi ko. Naupo naman siya sa kama katabi ko. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. Pagkatapos ay tinignan ko siya sa kanyang mga mata.
"May pupuntahan kasi akong tao ngayon. Pwede bang pakisabi kina Laila at sa iba pa na hindi ako makakasabay sa pag-aalmusal. Please?" ang pagmamakaawa niya sa akin. mabilis ko naman iyon na sinang-ayunan na walang pag-aalinlangan man lamang.
Pagkatapos ay mahigpit na niyakap naman ako ni Jhiah sanhi para ikagulat ko iyon. Hindi kasi kami ganoon ka-close sa isa't isa kaya't ang awkward ng eksenang ito. Nginitian ko naman siya ng bahagya siyang umalis sa pagkakayakap sa akin.
"Sige ipagpaalam mo muna ako sa kanila!" pagkatapos noon ay nawala na siyang parang bula sa paningin ko. Ako na lamang mag-isa sa kwarto niya. Mas na-bored ako doon kaya lumabas na lamang ako para tignan na ang ginagawa ng iba naming kasama sa dorm.
BINABASA MO ANG
Mortem
Gizem / Gerilim[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...