Chapter 35: That Alcohol

30 8 0
                                        

Mark's Point Of View

I'm pissed off.

She is always protecting her 'friend', Johann. Sobrang nakakainis kasi na sobra siyang dume-fend sa lalaking iyon. Grabe din siya maka-react tunkol sa mga bagay na may kaugnayan kay Johann.

And yes, I'm jealous.

"Obvious kaya iyong attitude ko?" I questioned myself about my attitude earlier in front of Kaori. Hindi kaya masyadong halata ang attitude ko? Hindi niya kayang napansin na nagseselos ako?

Padabog akong lumabas ng cafeteria. Ni hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta pagkatapos. It's because I was'nt even planning to do that. Hindi ko rin inaasahang magwa-walk out ako sa harapan nila- niya.

Her smile.

Noong tinititigan ko siya habang nagkukuwento siya.

But, then it faded when I became rude to her. Halos magsalubong angbkaniyang kilay ng napagtaasan ko siya ng boses. I did'nt mean it. Hiindi ko gustong gawin iyon sa kaniya. Hindi ko gustong magalit sa babaeng aking minamahal.

"And why are you defending that so much? Aren't you jealous?"

"No. But, why are you so affected?"

Paulit ulit na nag-play back ang mga huling pinagtalunan namin ni Kaori sa isipan ko.

Napansin ko namang hindi umuulan. Tirik na tirik at halos masusunog na ang balat ko sa init. Ngunit nakaramdam ako ng likidong pumatak sa aking pisngi. Napakalamig na likido na sa lamig nito'y bakas dito ang lungkot at selos na nararamdaman ko.

Kaagad ko itong pinunasan at mabilis akong naglakad papunta sa kung saan. Lakad lang ako ng lakad dahil wala akong ideya kung saan ako pupunta pagkatapos ng nangyari.

Hanggang sa paglalakad lakad ko'y nakakita ako ng isang lugar sa tingin ko'y wala masyadong mga tao ang nakakapunta dito. Maganda ang view and atmosphere dito. Relaxing din.

And I think I found a safe haven in a Demon-like hell place like this. The air is refreshing di katulad ng sa may fields and buildings ng Mortem Academy. May mangilan ngilan ding mga puno dito. And there's a lake in this deep forest inside the campus.

Natagpuan ko ang sarili kong nasa may likuran lang ng isang abandonado at tagong building sa campus. And then, here I am in the deep forest of the campus.

At dahil wala namang upuan o bench na nandidito. Umupo nalang ako sa isang malakaing bata na nakita ko kani-kanina lang. At dahil nga gusto kong magwala at ilabas lahat ng pagkainis ko. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na pumulot ng mga bato't isa isang inihahagis iyon sa may lawang nasa tapat ko.

Nagsisisigaw ako doon na para bang wala akong pakialam kung mayroon bang nakaririnig sa akin. Basta't ang nakatatak lang sa aking isip ay ang mga huling mga salitang sinabi ni Kaori sa akin.

Patuloy din ang pagtulo ng aking mga luha sa aking mukha. Inilabas ko rin ang lahat ng emosyong aking nararamdaman sa mga oras na ito.

Ngunit natigilan ako ng may mapansin akong isang nilalang na nasa isang maliit na batong nasa malapit sa kinatatayuan ko. Sa tingin ko'y nakatingin ito sa akin at nagtataka ito sa aking ginagawa. It looked curiously to me.

Nagkatitigan kami.

Halos umilaw na sa tingkad at pagkamakulay ang mga balahibo nitong nililipad lipad pa ng hangin. Pagkatapos ay ipinagaspas nito ang malaki at napakakulay nitong pakpak sa hangin. Nang humuni naman ito'y halos mabingi ako sa lakas.

"Xylan!" nagulantang ako ng may isang boses akong narinig mula sa likuran ko. Pagkatapos ay bigla na lamang lumipad palayo ang ibong kaninang nakita ko sa may batuhan.

"Hans?" Nakita ko ang isang binatang nakasuot pa ng uniporme. Nasa likuran ko siya't sa tingin ko'y siya ang may-ari ng ibon.

"Mark. Anong ginagawa mo dito?" ang tanong niya tsaka siya lumapit sa akin at kuha ng ilang piraso ng bato at ginawa rin niya ang kanina ko pa ring ginagawa sa mga ito.

"W-w-wala" ang pautal-utal ko pang sambit.

"Usually kasi kapag nagpupunta ako dito during tough times lang or either iyong may mga problems ako sa life ko. So, what's the matter?" ang pag-uusisa nito.

"Wala naman. Problema nga lang sa isang babae." ang sabi ko.

"Is it her? Kaori?" si Hans.

Nagulat ako dahil alam niya na tungkol iyon lahat kay Kaori.

Like What-The-Flute! Papaano niya iyong nalaman? Is he a f*cking stalker?

"What the--" ang sabi ko.

"I Have been noticing it since palagi naman kayong magkakasamang magkakaibigan. And yes, palagi ko rin kayong napapansin." ang sabi niya.

Ganoon ba talagang ka-obvious? Bakit si Hans ay napapansin? But, then si Kaori hindi? Ganoon ba talaga siyang kamanhid?!

"Here." Nagulat ako ng biglang may inabot sa akin si Hans. Isang bote iyon ng beer at hindi ko alam kung saan ba niya iyon kinuha.

"Saan mo kinuha iyan?" ako. Halos magsalubong ang aking mga kilay ng ipakita niya sa akin ang boteng iyon.

"Kunin mo na. Mabuti nga't maayos at malinis kong naipuslit iyan. Buti hindi na-inspect ng mga guard kundi nahuli pa ako. Kaya kunin mo na baka hindi na lumamig." ang sabi niya.

"Saan mo nakuha ito?" ang sabi ko. Pagkatapos ay sapilitan nalang niyang inilagay sa kamay ko ang beer.

"Don't you worry, Mark. Walang ni isang patak ng lason ang mayroon dito kaya inumin mo na. Cheers!" ang sabi niya.

Sabay kaming uminom ng beer habang nakaupo sa may batuhan habang tinitignan ang payapang lawa na nasa harapan namin.

"Sa iyo iyong ibon?" ang sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin.

"That Parrot? Uhmm... I guess siguro. Nakita ko lang iyon na pagala-gala dito eh. So, ayun kinupkop ko na kawawa din kasi siya. Walang nagaalaga kaya sa tingin ko'y ako na ang may-ari. I even named him Xylan."







Pagewang gewang akong naglakad. Masyado atang malakas ang tama ng beer sa akin. I think it's because it's my f*cking first time. Hindi ko alam kung saan na naman ako patungo. Ang naaalala ko lang ay iyong ibon na nakita ko kanina. And then, there's a man that I am talking with kanina. Hindi ko lang maalala kung sino iyon.

Nakita ko si Kaori na nakaupo sa isang bench sa may soccer field. Kaagd ko siyang nilapitan ng may ngisi sa aking mga labi.

Tinakpan ko ang mga mata niya at pinahulaan ko siya kung sino ako. But, I feel really dissapointed sa narinig kong pangalan.

"Johann?"

Kaagad kong tinanggal ang pagkakatakip ko sa mga mata niya at saka ako umupo sa may tabi niya.

Hindi ko na maramdaman ang paligid at ang presensya ni Kaori. Nakatulog na rin ata ako dahil sa kalasingan.

The one thing I knew is may bagay na dumampi sa mga labi ko. Matagal ito't may narinig din akong mga boses na nagsalita malapit sa akin.

And then,

BLACKOUT.



A/N: Yoh! Chapter 35 na mga Mortemians! Don't forget to vote, comment and also share.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon