Chapter 38: She's Beautiful As You

37 7 0
                                    

Kaori's Pont Of View

"Sorry. Pinagintay kita doon without saying something." ang sabi ko sa harap ng salamin. Ilang beses ko nang iniinsayo ang sasabihin ko kay Mark kapag nagkita kami. Hindi ko pa rin kasi alam kung mayroon pa ba akong mukhang maihaharap sa kanya kung saka-sakali.


"Mali. Mali. Dapat ba formal? Okay lang kaya iyon sa kanya?" ang sabi ko habang nakaharap pa rin sa salamin.


"Hindi ko sinasadya na paghintayin ka doon, sorry!" ang sabi ko. Hindi ko na namalayang nakaluhod na pala ako sa lapag at halatang humihingi ako ng tawad nang makita ako ni July.


Bigla akong napabalikwas at napaayos sa pagkakatayo't kasuotan.


"Jer-kori, anong ginagawa mo?" ang sabi niya na nakataas pa ang isang kilay. Nakakrus din ang kanyang mga kamay at nakatingin sa akin.


"Halika na nga, maka-Jer-kori ka diyan. Anyways, Kaori huwag mong mamasamain iyon ha? She's just sh*tting on you.Bye!" ang sabi ni Ate Reizza tsaka niya kinaladkad na palabas ng kwarto namin si July na halos mabali na ang braso sa pagkakahila niya.


Napabuntong-hininga na lamang ako. Masyado na akong namomobrlema sa ngayon! Tsaka ako nagpahulog sa kama namin na para bang wala akong pasok ngayon. Masyado akong tinatamad, masyado rin naman akong kinakabahan pag pumasok ako. Ano ba talagang dapat kong gawin?



Mabilis akong nagtatatakbo papunta sa classroom namin. Inilagay ko rin sa harapan ng mukha ko ang bag ko kung saka-sakaling may makakita sa akin especially iyong dalawang bugok, si Johann at Mark.


Halos mawala ako sa balanse at nahulog na ang bag ko ng hindi ko namalayang may tao pala sa harapan ko. Kaya naman nadanggi ko siya ngunit masyadong mabilis ang kamay niya. Nahawakan niya ang baiwang ko at nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko na pinatagal ang posisyon naming ganoon. Mao-out of balance na rin kasi ako at isa pa marami na ring tao ang nakuha namin ang atensyon.


"Are you okay?" ang tanong ni Johann.


Tumango lamang ako. Tsaka naman biglang lumitaw sa isip ko ang bagay na hindi ko maibalik balik sa kanya, buti na lamang ay dala-dala ko.


Mabilis ko iyong iniabot sa kanya. Hindi naman masyadong malukot ang coat niya kaya hindi na ako nag-abala pang plantsahin pero nang inilabas ko na ay para itong hinugot sa pwet ng aso sa sobrang lukot. Nahiya naman ako sa kanya pero sa halip na magalit siya ay nginitian niya lang ako.


"Heto na nga pala iyong coat mo." ang sabi ko. Tsaka naman niya tinanggap ang coat niya.


"Sige bye na! Ma-la-late na rin ako." ang sabi ko. Paalis na sana ako ng may humawak sa braso ko. Kaya naman napatingin ako dito.


"Huwag ka na muna umalis. Mag-usap na muna tayo. May isang oras pa naman kaya halika na muna." ang sabi ni Johann.


Naglakad lakad lang kaming dalawa. Walang nag-iimikan at masyadong awkward sa pagitan namin. Hanggang sa biglang binasag ni Johann ang nakabibinging katahimikan sa aming dalawa.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon