Chapter 48: Nobody Listens

45 5 3
                                    

Kaori's Point Of View


"Bata!" ang tawag ko sa batang lalaking nakita ko sa dulo ng hallway. Tila may tinitignan itong kakaiba sa lugar na iyon. mahigpit din ang hawak niya sa teddy bear niya na ikinalito ko. Napatigil ako sa pagtakbo kanina noong nakita ko siya kaya sinubukan ko siyang kausapin. Ilang beses ko siyang tinawag ngunit hindi siya lumiligon sa akin.


"Bata! Anong ginagawa mo?" tumabi ako sa kaniya at laking gulat ko kung ano ang hawak hawak niya. Isang kutsilyong may bahid pa ng sariwang dugo. Napansin ko rin ang teddy bear na hawak niyang may konting bahid din ng dugo sa mukha. Sa gulat ko sa nakita'y kaagad kong kinuha at itinapon ang kutsilyong siguro ay pinatutuyo niya sa araw.


"Bata! Masama iyon. Bakit ka may kutsilyong dala?" ang sabi ko. Unti-unti niyang inikot ang ulo at tinignan ako. Ngumisi siya sa akin at tila natakot naman ako sa kaniya. Kung titignan mo kasi siya base sa itsura niya'y mukha lamang siyang isang sampung taong gulang na bata kung tutuusin. Ngunit kung pagbabasehan mo sa ikinikilos niya, parang hindi siya normal na sampung taong gulang na bata.


"My Mom gave it to me. For my self-defense. But, now that you throw it away. I guess, Mom will be mad at you." ang sabi niya tsaka siya napabuntong-hininga. Sinilip silip niya pa sa may ibaba kung nasaan na iyong itinapon kong kutsilyo. "But, kid. Seryoso kang pang-self defense mo lang iyon? Baka sa iba mo iyon ginamit? At sino namang matinong Ina ang magbibigay ng ganoong patalim sa isang 10 years old?" ang sabi ko. Napakunot naman siya ng noo.


I am starting to feel goosebumps. At siguro doon iyon sa part na sinabi niyang nanay niya ang nagbigay noon sa kaniya. As in, ang weird. "I'm only 6. Who tells you I'm 10?" nagulat ako sa sinabi niya. Tila naguluhan din siya sa ekspresiyong rumehistro sa mukha ko. "By the way, I need to go, stranger. My Mom will definitely kill me if she finds out what you've done. Bye, for now!" ang sabi niya.


Kakaiba din ang tabas ng dila ng isang iyon. Naglakad siya habang dala-dala pa rin niya ang teddy bear niya. Papunta siya sa direksiyon ng office ni Ms. Therrisiah kaya walang ano-ano'y bigla akong tumakbo papunta sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang braso dahilan upang masaktan siya. Ngunit hindi ako nagpatinag, pinigilan ko pa rin siya kahit na pilit niya pa ring kinukuha ang braso niya mula sa akin.


"Look, Kid. There's something in there. Baka mapahamak ka lang. You'll be safer kung sasama ka sa akin." wala ako sa sarili ko nang sabihin ko ang mga bagay na iyon sa batang hindi ko naman lubusang kilala. Talagang nararamdaman ko lang talagang may kakaiba doon sa kwartong iyon. Sinusubukan ko lang naman siyang paalalahanan. Sinusubukan kong iligtas siya.


"What are you trying to tell me, stranger? Please, just let go of my hand. I need to go." ang sabi ng bata. Halos sumigaw na ako sa pagbabanta sa kaniya. "Kid, I know the truth. She might hurt you, stay away from-" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko sa kaniya nang bigla na lamang niya akong kinagat sa kamay ko. Hindi ko tuloy na maiwasan ang mapasigaw sa sakit. Halos bumaon ata ang ngipin ng batang ito sa akin. Sa pamamagitan noon ay nabitawan ko ang kamay niya. Nakatakbo siya ng mabilis samantalang, napaupo nalang ako sa sahig.


Sobrang hapdi ng pagkakakagat ng batang iyon sa akin. Bampira ba siya? Kitang kita mo ang pagbaon ng matalas nitong mga ngipin sa kamay ko na halos dumugo na. Hindi ko tuloy alam ang una kong gagawin. Gusto ko pa sana siyang pigilan sa pagpasok niya doon ngunit huli na ako. Something's going on. Hindi ko mapalalagpas ito, kailangan kong malaman ang bawat nakatagong kwento. Dali-dali akong nagtatatakbo pababa ng hagdanan, nararamdaman ko pa rin kasing kailangan kong tumakbo kahit na wala naman talagang humahabol sa akin.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon