Kaori's Point Of View
"Ready for a another punishment, Kaori?" ang tanong niya sa amin. Napangisi na lamang ng nakakaloka si Mark. Tumingin din siya sa malayo para maiwasan ang titig ni Naive.
"You! It's your first time, 'di ba? Akala ko kasi ikaw iyong isa pa niyang kaibigan na pinarusahan ko din. Well, wala naman na tayong pag-uusapang matino dito. Much better if we go outside." tumayo na si Naive sa kinauupuan niya at lumabas na ng office.
"Bakit kasi siya pa?" ang sabi ko. Napatingin sa akin si Mark.
"We have no choice, Kaori. Mukhang makakaligtas si Laki-Mata ah!" ang sabi niya.
We have no choice kaya lumabas na lamang kami ng office. Nadatnan namin si Naive na nasa labas ng office. Nakasandal siya sa may pader ng office at ng makita niya kami ay nagtama ang paningin naming dalawa.
Inirapan ko lang siya at saka ako nag-iwas ng tingin. Ngumisi lamang siya at saka nagkrus ng kamay.
"C'mon, marami pa kayong gagawin." ang sabi niya. Dire-diretso siya sa paglalakad ng sabihin niya iyon. Napasunod nalang kami sa kanya.
Dinala kami ni Naive sa cafeteria kung saan pinatayo niya kaming dalawa. Marami pang mga estudyanteng nakain doon kasi recess palang. Ngunit hindi ko nakita sila Micah or either sila Jeff. Nasaan kaya sila?
Nasa gilid kami ng pintuan. Nakatayo lang kaming dalawa doon samantalang si Naive naman ay umupo sa may malapit na upuan sa tapat namin. Tinitigan muna niya kami ng matagal bago magsalita.
"See? Nakikita ninyo?" itinuro niya ang mga estudyanteng nakain sa cafeteria. Napatingin naman kaming dalawa doon. May mga estudyanteng nakatingin sa amin. Ang iba sa kanila ay umiikot pa ang mga mata sa amin. Iba naman ay nagbubulungan. Okay! We're here again!
Nasa stage ulit kami ng pagpapahiya dahil kay Naive.
Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. It's been a month or two na kasi simula noong matapos iyong last punishment ko. At heto ako ngayon paparusahan na naman. Pasalamat na nga ako at hindi na ulit ako magiging librarian eh. Tsk.
"Yeah?" ang sabi ko.
"Hetong buong cafeteria ang punishment ninyo." ang sabi niya.
Masyado akong nahihiya sa ginagawa niya. Ang lakas kasi ng pagkakasabi niya na tipong halos nalaman at narinig na ng lahat ng nasa cafeteria na may ginawa kaming kasalanan at paparusahan niya kami.
Bigla akong napaangat ng tingin mula sa pagkakayuko ng may pamilyar na taong pumasok mula sa pintuan ng cafeteria. Napatingin ako sa kanya at pati rin si Mark.
May iba pa siyang kasama kaya napatingin din ako doon sa iba.
"What the hell are you doing, scumbags? Get the hell out of our sights!" ang biglang sigaw niya kila Laila na kasama si Micah at Jeff.
Napatingin na lamang sa akin si Laila at saka niya ibinuka ang bibig niya. Wala mang boses na lumalabas doon ay naintindihan ko iyon.
'Bye! Maya na lang.' ang sabi niya. Malungkot ang mata niya ng sinabi niya iyon. Tsaka naman siya dumiretso sa isang upuan malapit sa kinaroroonan namin. Maganda ang view doon na kitang kita kung ano ang ginagawa sa amin ni Naive.
Sinundan ko sila ng tingin at ng makaupo na siya ay sinenyasan niya ako.
'You need help?' ang sabi niya. Umiling na lamang ako sa kanya.
"Who the hell are you talking with?" ang biglang singit ni Naive.
Umiling na lamang ako sa kanya. Grabe makapagsalita eh! Kung hindi ka lang talaga isang pesteng SPO President diyan eh! Bwisit ka!

BINABASA MO ANG
Mortem
Mistero / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...